^

Punto Mo

Bintang

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NABIGLA si Alice sa pagdating ng asawa nitong si Rocky mula sa Bahrain. Noon ay 1992. Sa 1993 pa matatapos ang kontrata nito. Gabi ito dumating, bandang alas nuwebe. Wala ang mga anak nila dahil nagbabakasyon sa mga magulang ni Alice na nasa probinsiya.

Rocky!

Nanlilisik ang mata ni Rocky. Kulang na lang ay tumutulong laway para sabihing para ito magmukhang asong nauulol. Nang magsalita ay nangangatal ang boses nito.

Nabigla ka ano ? Nasaan ang lalaki mo?

Parang puputok ang ulo ni Alice. Hindi pa nga siya nakakarekober sa biglang pagdating ng asawa, heto ngayon at nagbibintang na nanlalalaki siya! Nabigla man sa mga pangyayari, nanatiling kalmado si Alice. Ayaw niyang salubungin ang umaawas na galit ng asawa.

Naghahanap ka ng lalaki. Hayan, malaya kang makakapaghanap sa buong bahay. At correction, nabigla ako hindi dahil may ginagawa akong katarantaduhan. Ang ikinabigla ko ay ang nakakatakot mong hitsura na parang naghuhuramentado. Diyos ko, anong bang nangyayari sa iyo?

Pagkatapos libutin ang bahay at walang nakita, naupo si Rocky sa sofa na parang nauupos na kandila. Dali-dali nitong binuksan ang bag at may hinugot na tatlong sobre. Inihagis ito sa harapan ni Alice. Dinampot ni Alice at pinasadahan ang mga sulat na nagkataong pulos lang ito tig-iisang pahinang liham. Lahat ay walang pangalan ng sender. Sa madaling sabi, ang nilalaman ng tatlong liham ay nagsusumbong na may kotseng dumarating tuwing gabi sa tapat ng kanilang bahay, with matching kulay at plate number.

Napapikit si Alice. Kinatok ang ulo para matiyak niya na hindi siya nananaginip. Nasaktan ang kanyang ulo kaya sigurado siya na gising siya at totoo ang nangyayari. Napahikbi siya. Parang may dumaklot sa kanyang puso—dinurog sa pamamagitan ng pagpisil hanggang sa magdugo at madurog ito. Kulang ang salitang sakit para ilarawan ang nadarama niya sa mga sandaling iyon.

Walang imik na umalis si Rocky. Alam ni Alice na magpupunta ito sa bahay ng kanyang biyenan na nasa kabilang kalye lamang. Hindi pa nakakalabas si Rocky ng kanilang gate nang may dumating na kotse at pumarada sa kanilang tapat. Napatakbo palabas ng gate si Rocky. Lumapit siya sa kotse. Iyon ang kulay na sinasabi sa liham. Binasa niya ang plate number, sakto, sa sinasabi sa liham. Hindi nakakibo si Rocky. Ngayon na sila magtutuos ng walanghiyang lalaki!

Lumabas sa kotse ang isang babae. Nakangiti ito kay Rocky.

Hi! Good evening. Pasensiya na ho at dito kami lagi nakikiparada ng aking mister sa tapat ng inyong bahay. Kami ho ang tenant diyan sa katabi ninyong apartment. Nagkaroon ho ng butas ang semento sa aming tapat kaya hindi kami makaparada. Ang tagal na pero hindi pa naipapagawa ng may-ari.

Lumabas sa kotse ang lalaki. Nakipagkamay kay Rocky.

Good evening. Salamat naman at naabutan namin kayo. Noon pa sana kami magpapaalam na makikiparada kami pero laging walang tao diyan sa inyo.

Nilinga ni Rocky si Alice na nakadungaw sa bintana at pinapanood sila.

May karinderya ang aking Misis sa palengke kaya maaga pa ay umaalis na siya sa bahay. Kung gabi naman ay maagang matulog. Ako naman ay nasa Bahrain. Kararating ko lang. Okey lang pare na mag-park kayo. Wala naman kaming sasakyan.

Matagal nang pumasok sa apartment ang mag-asawang kapitbahay nila pero nanatiling nasa labas ng bahay si Rocky. Nakita niyang isinara ni Alice ang pintuan. Pinatay na rin nito ang ilaw sa kanilang bedroom. Natulog siya sa veranda ng kanilang bahay. Kinabukasan na lang siya hihingi ng tawad.

Jealousy is, I think, the worst of all faults because it makes a victim of both parties. – Gene Tierney

ACCUSATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with