PDEG, hihigpitan ang mga port vs droga!
MAKIKIPAGPULONG si Brig. Gen. Remus Medina, director ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa iba pang ahensiya ng gobyerno para pigilan na ang paggamit ng drug syndicates sa Roll-On, Roll-Off (RORO) na mga barko para magdeliber ng droga sa Visayas at Mindanao.
Sinabi ni Medina na hihilingin niya sa mga kausap sa port authorities, Philippine Navy, Coast Guard, Maritime Group at Shipping Lines na higpitan ang seguridad nila sa mga puerto para mahirapan ang mga drug syndicates na ipalaganap ang kanilang epektos na shabu. Nais din ni Medina na maglagay ng x-ray at magdeploy ng drug sniffing dogs sa mga puwerto para madaling matuklasan ang nakatagong droga sa mga kargamento.
Sa pananaliksik ni Medina, natuklasan niya na epektibo ang x-ray machines sa mga airport kaya ayaw ng mga drug syndicates na gamitin ang transhipment point nila para ideliber ang shabu sa Visayas at Mindanao dahil kalimitan nabubuking sila dito. Araguuyyyy! Hak hak hak! Dahan-dahan lang subalit epektib itong pakikipagrelasyon ni Medina sa ibang government agency kontra droga, di ba mga kosa? Hehehe! Weder-weder lang ‘yan!
Kaya naman pursigido si Medina na wakasan na itong problema sa droga alinsunod sa kautusan ni President Digong dahil mukhang hindi natatapos ang supply nito sa kalye kahit bulto-bulto na ang nakumpiska ng PDEG at may napapatay pa sa engkuwentro na mga drug pushers.
Noong Mayo 23 lang, nasampolan na naman sina Jordan Abrigo at Jayvee de Guzman sa isang drug sting sa Katarungan Village, corner Arellano at Nepomuceno Sts. sa Muntinlupa City. Nakumpiska sa dalawa ang 10 kilo ng shabu na nagkakahalagang P68 milyon, P1.5 M boodle money, dalawang .45 pistols, at itim na Nissan Cefiro.
Kasama ni Medina sa operation ang mga operatiba ng RID PRO6, PDEA NCR, Muntinlupa CPS, at Southern Police District. Hindi nakaporma sina Abrigo at de Guzman no mga kosa? Araguuyyyyy! Hak hak hak! Madami pa ang matutumba ng PDEG kapag hindi huminto itong mga drug syndicates sa masama nilang gawain, di ba mga kosa? Mismoooooo!
Sinabi ni Medina na itong sina Abrigo at de Guzman ay mga drug distributors ng drug group ni Michael Divinagracia sa Metro Manila, Region 6, Mindanao at iba pang parte ng bansa. Ang source ng droga ng tropa ay itong si alyas Johnson na isang Chinese national na kasalukuyang naka-detain sa New Bilibid Prisons. Na naman? Nakakulong na eh nakapag-operate pa. Kailangan tuldukan na ng PDEG at NBP director Gen. Gerald Bantag ang ganitong modus operandi, di ba mga kosa?
Ayon kay Medina, ginagamit ng grupo ang trucking via RORO sa Batangas port para ideliber ang kanilang epektos sa Visayas at Mindanao, kung saan tinatanggap ito ng ating Muslim brothers. Hayyyyy!
Itong grupo nina Abrigo at de Guzman ay nakapagdeliber na ng 10 kilo per week at ang kita nila kada transaction ay mula P10,000 hanggang P30,000 depende sa dami ng epektos na ideliber, ani Medina. Hehehe! Ang mura lang ng buhay ng mga kupal ano, mga kosa? Araguuyyyyy! Hak hak hak! Kaya sa mga naligaw ng landas nating mga kababayan, magsitigil na kayo! Abangan
- Latest