Ang tunay na lider
NOONG si Woodrow Wilson ang nakaupong US President, marami siyang kinakaharap na problema sa Mexico. Noong sinugod at sinakop ng US Marines ang Veracruz fortress ng Mexico, maraming US Marines ang nagbuwis ng buhay.
Iniuwi ang labi ng mga bayani sa New York City at dito nagdaos ng funeral service para sa kanila. Dahil sa pangyayaring ito, nakatanggap nang maraming death threats ang Presidente.
Magkaganoon pa man, gumayak ang Presidente patungo sa New York upang makiisa sa funeral procession ngunit siya ay pinigilan ng ahensiya na pumuprotekta sa Presidente.
Pati ang kanyang mga kaibigan sa pulitika ay pinigilan siyang umatend. Nagsusumamo ang mga ito na sundin ang mga awtoridad para sa kanyang kaligtasan. Ang sabi ng mga ito sa Presidente:
“The country cannot afford to lose its President.”
Ngunit sinagot sila ng Presidente ng ganito:
“ The country cannot afford to have a coward for a President.”
Itinuloy ng Presidente ang biyahe patungong New York City at nakiisa sa pagdadalamhati.
“Leadership is solving problems. The day soldiers stop bringing you their problems is the day you have stopped leading them. They have either lost confidence that you can help or concluded you do not care. Either case is a failure of leadership.”
— General Colin Powell, former U.S. Secretary of State
- Latest