BUNSOD ng pagkainip na dulot ng pandemic lockdown, isang teenager sa Georgia, U.S.A, ang nakapagtayo ng roller coaster sa sarili nilang bakuran.
Kawalan daw ng magagawa ang nagtulak kay Ben Tolliday kaya naisipan niyang magtayo ng sarili niyang roller coaster.
Inabot ng tatlong linggo ang konstruksyon ng roller coaster, na ginawa lang ni Ben mula sa mga piraso ng table, PVC pipe, hollow blocks, at sandbags.
Bagama’t kumpiyansa si Ben sa kanyang trabaho, hindi rin niya naiwasang kabahan nang una siyang sumakay sa roller coaster.
Sinakyan din ito ng kanyang ina, na umaasang babaklasin din ito ni Ben sa lalong madaling panahon dahil kinain na raw ng roller coaster ang espasyo para sa kanyang mga halaman.
Dahil sa kanyang ginawa, pangarap na raw ni Ben na magtrabaho sa industriya ng roller coaster balang araw.