NARITO ang mga palatandaan na ang kakuwentuhan mo ay isang “certified tsismosa”.
1. Nagkukuwento siya sa iyo ng mga private information tungkol sa inyong “common friend”. Kung nagagawa niya iyon sa iba, malamang na ipagkalat din niya ang mga private informations tungkol sa iyo.
2. Kung may naipasa siyang balita sa iyo, lihim kang mag-imbestiga kung may katotohanan. Kung napatunayan mong walang katotohanan ang ibinalita sa iyo, siguradong tsismosa ang nagpasa sa iyo ng balita.
3. Alam ng tunay na kaibigan kung hanggang saan ang kanyang boundary pagdating sa pakikialam niya sa iyong buhay. Ang tsismosa ay makulit. Gagawa siya ng paraan para mapiga ka sa impormasyong kailangan niya. Hindi siya marunong rumespeto sa privacy ng ibang tao.
4. Kung nahalata mong kinukulit ka, tanungin mo kung bakit siya tanong nang tanong. Kung generic ang kanyang magiging sagot kagaya ng: “Wala lang…” o kaya ay nainis siya sa iyo, sigurado,tsismis lang ang hanap niya.
5. Maraming paraan ang mga tsismosa para makakalap ng tsismis. Kunwa’y kukuwentuhan ka ng isang kaintri-intrigang balita. Kapag nakita niyang nag-enjoy ka sa kanyang itsinika, biglang hihirit ‘yan… “Ikaw naman ang magkuwento tungkol sa intriga kay…”.
6. Ang pamimilit nila na makuha ang isang pribadong impormasyon ay isang matibay na ebidensiya na siya’y tsismosa. Barahin kung kinakailangan para tumigil.
6. May kasabihan ang mga Espanyol na kung sino ang naghahatid sa iyo ng tsismis tungkol sa ibang tao ay siya rin ang nagkakalat ng tsismis tungkol sa iyo. Ingat.