^

Punto Mo

Quotes na nagmula sa bibig ng mga sikat

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Ang pag-iwas sa maliligalig na tao at magulong sitwasyon para maprotektahan ang iyong emotional health ay hindi isang kahinaan kundi katalinuhan.

2. Ang taong hindi nagkakamali ay walang ginagawa sa buhay.

3. Ang buhay ay hindi lang tungkol sa paghihintay na matapos ang bagyo kundi pagkatuto na sumayaw kahit sa gitna ng ulan.

4. Mahirap baguhin ang isang taong walang nakikitang “isyu” sa pinaggagagawa niya.

5. Kung ang positive people ay may solusyon sa bawat problema, ang mga negative people naman ay laging may problema sa bawat solusyon.

6. Irespeto mo ang iyong mga “haters” dahil sila lamang ang mga taong nag-iisip na mas magaling ka kaysa kanila.

7. Ang tsismis ay namamatay kapag ito ay nag-landing sa tenga ng maprinsipyong tao.

8. Ang kagandahan ng isang tao ay nagsisimulang lumutang oras na kumilos siya nang natural at walang pagkukunwari.

9. Ang masamang ugali ay parang gulong na walang hangin. Wala kang mararating hangga’t ‘di mo ito pinapalitan.

10. Ang kabiguan ay hindi kabaliktaran ng tagumpay, kundi bahagi ng tagumpay.

11. Ang pinag-uusapan ng matatalino ay iba’t ibang ideya. Mga pangyayari sa paligid ang pinag-uusapan nang may pangkaraniwang talino samantalang ang mga bobo, pinagtsitsismisan ang buhay ng kanilang kapitbahay.

12.  Obserbahan mo kung sino ang mga taong hindi pumapalakpak kapag nananalo ka. Hindi ipinagdiriwang ng fake friends ang tagumpay ng ibang tao.

13. Ang katotohanan ay parang pagpapaopera. Masakit pero nakagagaling. Samantalang ang kasinungalingan ay parang pain killer. Nagdudulot ito ng pansamantalang ginhawa pero pabalik-balik ang walang katapusang sakit.

QUOTES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with