^

Punto Mo

Neuro test sa mga pulis, dapat gawing regular

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Isa sa requirements kapag pumapasok sa pagka-pulis ang pagsailalim sa neuro test.

Ito ay upang matiyak kung sila ay nasa matinong pag-iisip.

Minsanan o madalang lang itong nangyayari at sa paglipas ng taon sa serbisyo hindi na ito nauulit maliban na lamang kung mag-aaply sa kanilang promosyon o kaya ay dadalo sa mga schooling.

Matapos ang insidenteng naganap sa Tarlac, kung saan nag-viral ang video nang harapang pamamaril ni P/ Staff Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Tarlac, uminit ang usapin sa neuropsychiatric tests para sa mga pulis.

May panawagan si dating PNP chief at ngayon ay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, na magkaroon ng regular na neuropsychiatric tests ang mga pulis.

Sa kanyang panukala dapat na i-regular taun-taon ang pagsailalim ng mga pulis sa ganitong uri ng test lalo na sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Halos minsanan lang pala ang pagsailalim ng isang pulis sa ganitong test.

Sa tagal nga naman ng panahon nagbabago ang isip ng tao, lalo na nga at na-eexpose na sila sa ibat-ibang insidente sa panahon ng serbisyo.

May ilan pa nga na nadadawit sa paggamit ng ilegal na droga, sobrang pag-inom, at iba pang bisyo na nakakapagpabago sa ugali at sa pag-iisip ng isang tao.

May matinding pangangailangan din, na dito pabor si Dela Rosa na isailalim sa anger management counseling ang mga pulis para maiwasan ang init ng ulo at makagawa ng krimen.

Mas lalo nga naman na kailangan ito ng mga pulis at ng iba pang law enforcement o kahit na marahil ng nasa militar na naiisyuhan ng baril.

Kasi dapat kapag de-baril ka, mas dapat na kontrolado mo sarili mo at hindi mainitin ang ulo.

Pero sa ilan , kapag de -baril ka gusto nilang katakutan sila at dapat sya ang tama kaya madalas na nalalagay sa alanganin ang kanilang pagseserbisyo.Nauuna ang yabang.

Gaya ng kay Nuezca na ngayon ay nagsisisi na raw sa pangyayari, pero ika nga magsisisi man, huli na ang lahat, hindi na maibabalik ang nawalang buhay.

Patuloy tayong aantabay sa mga magiging kaganapan sa pangyayari dyan sa Tarlac hanggang sa makamit ng pamilya ng biktima ang hustisya.

 

TEST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with