^

Punto Mo

Uso pa ba ang memory card?

PANDAYAN - Ramon Bernardo - Pang-masa

Marami na ngayong smartphone na malalaki na ang memory na daan para makapaglagay ka rito ng napakara-ming litrato, video, mga  kanta,  games at iba pang mga dokumentong digital nang hindi na kailangang magkabit dito ng memory card.

Papatapos na ang dekada 90 nang mauso ang memory card o memory cartridge. Ito ‘yung napakaliit na device na ginagamit sa paglalagay ng mga electronic data o pagtatago ng mga digital information. Ginagamit ito sa mga portable devices tulad ng digital camera, mobile phone, tablet, digital piano, at video games consoles.

Karaniwan itong ginagamit sa paglilipat ng dokumento o files mula sa isang gadget papunta sa isang gadget tulad ng paglilipat ng mga ito mula smartphone  patungo sa desktop computer o laptop o mula sa digital  camera papunta sa computer.

Pero marami na ngayong mga paraan ng pagkopya ng files, paglilipat nito at pagtatago  mula sa isang gadget papunta sa isa pang gadget. Nariyan halimbawa ang Bluetooth na naging karaniwan nang bahagi ng mga laptop, computer, cell phone, Ipad at tablet.

Meron ding mga sharing apps o program na nada-download mula sa internet na nagiging daan para makopya at mailipat ang isang file o dokumento sa iba’t ibang gadget.

May nabibili na ring mga tinatawag na USB transfer cable o USB cable na tumutulong sa paglilipat ng mga data sa computer papunta sa iba pang computer o gadget na merong mga USB port.

Pinaliit o binawasan ng mga bagong teknolohiyang ito ang pangangailangan sa memory card. Pero sinasabing disposable ang memory card dahil na rin hindi ito tumatagal. May mga memory card na gumagana hanggang ilang linggo o sira na bago pa man magdalawang taon.

MEMORY CARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with