^

Punto Mo

Huwag susuko

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MINSAN, nag-submit ako ng kuwentong pangkomiks sa isang sikat na publikasyon isang panahon na katatapos ko lang sa kolehiyo at wala pang makuhang trabaho. Tinanggap naman ng editor at sinabihan akong tumawag pagkatapos ng isang linggo. Nang tumawag ako at usisain kung ano ang naging verdict nila sa aking kuwento ay sinabi sa akin na hindi raw ito nakapasa. Okey lang naman sa akin dahil sanay na sanay na ako sa rejections.

Isang araw ay nabasa ko ang aking istorya sa komiks. Pero ibang pangalan ang nakasulat bilang awtor. Pinalitan lang  ang title pero naroon pa rin ang salitang “bituin” na ginamit ko.

Ang higit na nakakainis, pati ang execution ng drowing  ay kagayang-kagaya ng ideyang aking ibinigay sa illustrator.

May isang lalaking nagngangalang Philip Rice ang naghabol na siya raw ang tunay na imbentor ng telepono at hindi si Alexander. Ang mga ginawang eksperimento ni Alexander Graham Bell ay mas nauna  niyang ginawa.

Nakarating ang reklamo sa Supreme Court pero si Alexander ang pinaboran ng korte. Bakit? Oo nga’t naunang nag-eksperimento si Philip ngunit huminto siya nang inakala niyang palpak ang kanyang imbensiyon. Kasi, sa halip na boses ang mag-transmit sa telepono ay mga nota lang ng musika ang maririnig dito.

May bagong idinagdag si Alexander Graham Bell sa eksperimento ni Philip upang boses ng tao ang marinig sa telepono sa halip na musika. Sana’y hindi tumigil si Philip. Sana’y nagtiyaga siya. Sana’y pangalan niya ngayon ang nakasulat sa history.

Daig ko si Philip Rice. Kahit umabot pa ng isang libong rejections ang aking matatanggap at paulit-ulit na nakawin ang aking ideya ay hindi ako nagsawang magsulat nang magsulat  ng napakaraming kuwento.

EDITOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with