^

Punto Mo

Higanteng ferris wheel sa Budapest, ginawang restaurant

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

UPANG makabawi sa kawalan ng mga foreign tourists ay isang Michelin-starred na restaurant sa Hungary ang nagdaos ng isang pakain sa isa sa  pinakamalalaking ferris wheel sa Budapest.

Isinagawa ng restaurant na Costes ang event sa Budapest Eye upang magarantiya niya sa mga paruk­yano na sila ay kakain sa isang coronavirus-proof na lugar.

Ayon sa may-ari ng Costes na si Karoly Gerendai, perpekto raw ang ferris wheel na magsilbing pansamantalang restaurant ngayong may pandemya dahil may indibidwal daw itong mga cabin kung saan maaaring magsolo ang mga custo-mer at ang mga kasama nila.

Aabot ang presyo ng ticket para sa kakaibang dining experience ng 48,000 forints (katumbas ng Php 7,500). Sa kabila ng pres­yo nito, mabilis daw itong na-sold out ayon kay Gerendai lalo na’t marami na raw ang sabik na makatakas mula sa mga restriksyong dulot ng pandemya.

 

BUDAPEST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with