^

Punto Mo

15 easy life hacks

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Kung tatakbo ka ng 27 minutes per day, one pound ang mababawas sa iyong timbang per week.

2. Ang original na plano noong inimbento ang Mountain Dew, ay gawin itong panghalo sa whiskey. Mainam na subukan dahil sila pala ang original na magkapartner.

3. Ang purong katas ng pinya ay 5 times na mas epektibong gamot sa ubo kaysa nabibiling cough syrup.

4. Maiiwasan ang pagtalsik ng mga pirasong kuko habang ginugupit ito kung babasain muna ang dulo ng daliri at talim ng nail cutter.

5. Kung nahilo bigla habang nagbabasa sa tumatakbong kotse, itagilid ang ulo sa magka­bilang side:kanan at kaliwa para bumalik sa normal ang pakiramdam.

6. Paligiran ang sarili ng mga bagay na kulay dilaw kung kailangan mong mag-concentrate sa iyong ginagawa. Hindi naglalabas ng melatonin ang ating katawan kung nakakakita ng dilaw­. Ang melatonin ang nagpapaantok sa atin.

7. Para maiwasan ang impulsive buying kapag nagsha-shopping, tingin-tingin lang at huwag hawakan ang items na nakadispley. Mas hinahawakan mo ang paninda, mas lalong lumalakas ang pagnanasa mo na gumastos at bumili kahit hindi mo kailangan.

8. Napatunayang mas mabilis makatulog kung tatagilid ka sa kanan kaysa kaliwa.

9. Ang jump roping ng  10 to 15 minutes ay nakakatunaw ng 200 calories. Ang jump roping ay one of the best and efficient forms of cardio.

10. Kung ang isang business ay laging may “Now Hiring” sign sa harapan ng kanilang business establishment, malaki ang posibilidad na hindi maganda ang pamamalakad ng kompanya kaya laging nilalayasan ng empleyado..

11. Tumitigil ang paglitaw ng balakubak kung ang ipinangbabanlaw ng buhok ay malamig na tubig.

12. Lipat bahay tip: Ang huling i-pack ay tool box pero ito ay pinakaunang ibaba mula sa trak.

13. Stressed ka ba? Kumain ng saging at avocado. Pinapa-relaks nito ang inyong isipan at tinutulungang maging masaya.

14. Paano tanggalin ang tsikinini? Basain ang kutsara (silver). Ilagay sa freezer ng 20 minutes. Ilabas sa freezer. Idikit ang kutsara sa tsikinini.

15. Pampababa ng uric acid level: Uminom ng 2 to 3 liters ng tubig araw-araw. Unti-unti ang pag-inom sa buong maghapon. Lalabas ang uric acid mula sa kidney sa pamamagitan ng tubig na ininom ninyo.

MOUNTAIN DEW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with