^

Punto Mo

‘Boy Tocino’ strikes again!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

WALANG kadala-dala at nag-umpisa na namang mambiktima itong si Jonathan Malong Reyes. Siya yung bininyagan ng BITAG na “Boy Tocino”.

Matatandaan na nahulog sa BITAG si Boy Tocino noong Nobyembre 2019 sa entrapment operation na ikinasa ng Pasig Police. Ang sumbong noon, pangingikil ng P5,000 at 1 kilo ng tocino sa kanyang dating kasintahan.

Matapos makipaghiwalay Ang biktima ay ipinakalat nito ang litrato at video ng kanilang pagtatalik. Ititigil niya ang pagpapakalat sa tuwing magbabayad ang biktima ng pera at tocino.

Nakasuhan ng kasong extortion at paglabag sa R.A. 9262 si Jonathan Malong Reyes.

Subalit noong mga panahong ‘yun, ang kanyang kasalukuyang GF ay piniyansahan siya upang pansamantalang makalaya.

Ang siste, siya naman ngayon ang biktima. Kung anong ginawa ni Boy Tocino sa una nitong biktima ay siya ring ginawa sa kanya.

Sa galit kasi ni Boy Tocino sa kasalukuyang GF na nakipaghiwalay sa kanya, ipinadala ang mga private photo at video sa mga kamag-anak ng biktima.

Ang kondisyon para tumigil daw si kolokoy, pakikipagbalikan, P5,000 at 1 kilo ng tocino muli sa bagong biktima.

Maituturing na sociopath si Boy Tocino. Delikadong nasa labas ng kulungan, walang pagsisisi at paulit-ulit lang ang ginagawang pambibiktima.

Kaya ang mismong Pasig Police na ang nagkakasa ng bagong patibong para tuluyang manatili sa matatabang rehas si Boy Tocino.

vuukle comment

TOCINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with