Lalaki sa India, pinainom ng tubig ang nauuhaw na king cobra

ISANG lalaki sa bayan ng Kaiga, India ang naawa sa isang king cobra na uhaw na uhaw. Napadpad ang king cobra sa kanilag lugar dahil sa paghahanap ng tubig.

Sa halip na matakot ang lalaki, lakas-loob na nilapitan niya ang cobra at pinainom. May hawak din naman siyang snake catcher. Nanonood naman ang ilang tao sa ginagawa ng lalaki.

Idinuldol  ng lalaki ang isang bote ng mineral water sa cobra at uminom ang uhaw na uhaw na ahas.

Pagkatapos makainom ang cobra, binuhusan ng lalaki ng tubig ang ulo nito para malamigan.

Alam naman ng lalaki ang panganib sa ginagawa kaya mayroon siyang snake catcher o panghuli ng ahas.

Para makasigurado, isang kasama niya ang nakaabang at handang humawak sa buntot ng ahas para hindi ito makakapanuklaw.

Ang cobra ay 12-talampakan ang haba.

Pagkatapos makainom, isinilid na nila ang cobra sa isang sako at dinala sa isang animal care facility.

Show comments