^

Punto Mo

Pakinabang sa ‘mahiwagang kahon’

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

ISA sa mga magandang makabagong teknolohiya sa panahon natin ngayon ang tinatawag na digital TV box na tulad ng isang popular na “mahiwagang itim na kahon” ng isang malaking television network. Mas malinaw ang mga palabas at mas maraming mapapanood.

Tinanggal ng teknolohiyang ito ang pangangailangan sa dating nilumang klase ng antenna na ikinakabit sa bubong ng bahay. Iyong lumang antenna na kailangang kabitan ng mga alambre at itayo sa bubong ng bahay para hindi matumba bagaman natutumba pa rin kung matatamaan nang malalakas na bagyo. Lumang antenna na ginagamit sa lumang klase ng matatabang telebisyon o analogue TV. May mga nadidisgrasya na rin sa pagkakabit ng ganitong antenna na kung hindi makuryente halimbawa ay nahuhulog mula sa bubungan.  Hindi kataka-taka kung tuluyan nang mawala sa mga bubungan ng lahat ng mga  kabahayan ang ganitong antenna.

Meron namang mga obserbasyon na maluluma na rin sa katagalan ang digital TV box dahil sa internet at sa smart TV. Parang kasingbilis ng paglipas ng mga panahon. Nakakapanood na rin kasi ng mga palabas sa  mga makabagong telebisyon (iyong mga makabago na merong wifi) sa pamamagitan ng internet.  At, sa digital age ngayon, kahit sa smartphone o iPad ay makakapanood din ng mga palabas sa telebisyon basta’t meron itong internet connection.

Napabalita may ilang taon na ang nakakaraan na may inilako na rin ang isa pang malaking TV network na sarili nitong digital TV box pero wala nang naging ibang balita hinggil dito. Parang hindi na ito itinuloy. Meron din namang ibang mga kompanyang gumagawa at nagbebenta ng sarili nilang digital TV box. Mas prominente nga lang nakikita sa mga pamilihan iyong “mahiwagang itim na kahon” ng karibal na network. Sa “mahiwagang itim na kahon na ito,” nakakapanood din naman ng mga palabas ng ibang TV station pero malimit namang nawawala ang signal.

Pero hindi naman lahat ng tao ay may kakayahang magkaroon ng kuneksyon sa internet. Hindi naman aktuwal na libre ang internet dahil merong babayaran para magkaroon ng kuneksyon dito.  Meron pa ring mga nagkakasya at nagtitiyaga sa analogue na TV dahil hindi kaya ng kanilang badyet ang presyo ng telebisyong merong internet. Ang maganda sa digital TV box, nagagamit din ito sa analogue TV kaya makikinabang pa rin dito ang mga walang kakayagang makabili ng smart TV at iyong mga walang cable. Kaya matatagalan pa marahil bago tuluyang malaos ang digital box dahil meron din itong kaugnayan sa ekonomiya.

Email: [email protected]

KAHON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with