Illegal vendors nagbalikan na sa Maynila!
HABANG nananalasa ang COVID-19 sa bansa, sinamantala naman ito ng mga illegal vendors at bumalik sa bangketa sa ilang lugar sa Maynila. Sa tingin ng mga kosa ko wala pang lagay na P5 milyon dito si Manila Mayor Francisco Domagoso subalit maliwanag pa sa sikat ng araw na may tomotolongges sa kanya.
At hindi mai-deny ni Domagoso ang pagbalik ng mga vendors dahil merong ebidensiya: ang pagkahuli ng Integrated Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ng Philippine National Police (PNP) kay Capt. Josep Pedro Bocalbos sa isang entrapment operations. Si Bocalbos mga kosa ay hepe ng Police Community Precinct (PCP) sa Ermita, Manila at mismong tinatanggap niya ang suhol mula sa vendors nang masakote ng mga tauhan ni IMEG chief Brig. Gen. Ronald Lee sa mismong opisina niya sa Bgy. Paz.
Kasamang dinampot ng mga bataan ni Lee ang kakutsaba ni Bocalbos na si Joy Salines, 47, na umaaktong tong collector niya. Kung may tara si Bocalbos sa vendors sa area niya, tiyak meron ding parating sa mga superiors niya, ano sa tingin mo Sir Sgt. Raffy Padua, ang itinuturong kolektor ng SMART sa City Hall? Araguuyyy! Hak hak hak! Baka hindi napansin ni Domagoso ang pagsulputan ng vendors sa Bgy. Paz dahil abala siya sa kampanya laban sa COVID. Ano sa tingin n’yo mga kosa?
Sinabi ni Lee na sinisingil ng mga bataan ni Bocalbos ang mga vendor sa sakop niya ng halagang P150 kada araw. Kapag hindi nagkasundo sa presyo, aba ginagamit pa ng mga bataan ni Bocalbos ang isyu tungkol sa COVID para mapilitang maglabas ng pitsa ang mga vendors. Halimbawa kapag walang parating na datung ang mga vendors, sarado sila dahil sa paglabag ng kung anu-anong alituntunin tungkol sa COVID. Araguuyyy!
Maabilidad din ang mga bataan ni Bocalbos, ano mga kosa? Dahil sa sobrang garapal na nga kolektor ni Bocalbos, hayun nag-report ang mga vendors kay Lee at ikinasa kaagad ang entrapment operations laban sa kanya. SWAK si Bocalbos at sa kulungan ang bagsak niya mula noong Semanta Santa pa. Araguuyyy! Hak hak hak!
Kahit may COVID tuloy pa rin ang anti-kotong campaign ni PNP chief Gen. Archie Gamboa.
Ayon kay Lee, sinampahan na ng kasong kriminal at administratibo si Bocalbos kaya tiyak na ang dismissal niya alinsunod sa cleansing program ni Gamboa. Si Bocalbos, 55, ay magreretiro na sa sunod na taon kaya sinayang n’ya ang milyones na suweldo at retirement benefits. ‘Yan na nga ba ang sinasabi ng Supalpal na hindi dapat itinatalaga sa puwesto ang retiring police officers dahil wala nang gagawin ang mga ‘yan kundi mag-ipon ng pabaon, ‘di ba mga kosa?
Ang masama pa nito, nadamay pa si Pat. Paul Albert Pascual ng MPD na na-monitor na nagmura vs IMEG sa social media dahil sa pagkahuli kay Bocalbos. Ayon kay Lee, sasampahan niya ng kasong administratibo si Pascual sa National Capital Region Police Office (NCRPO). Araguuyyy! Hak hak hak! Sa proper forum ng PNP puwedeng magreklamo at hindi sa social media, di ba mga kosa? Hehehe! Kaya mga kosa kong pulis, ingats sa social media ha? Abangan!
- Latest