^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (22)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BAGO lumabas si Jonas ay may ipinalala pa sa kanya si Ziarah.

‘‘Kuya, mag-text ka lang kapag kasama mo pagtungo rito si Kat para nakakapag­handa ako sa pagtago.’’

Tumango lang si Jonas pero gusto niyang mapa­ngiti dahil seryoso si Ziarah na mag­tago para lang hindi mabisto ni Kat na may kasama siya sa bahay.

Maski nang nasa kotse na siya patungo sa opisina nila sa Pasong Tamo ay napapangiti pa rin siya kapag naaalala ang mga sinabi ni Ziarah. Paano kaya ang gagawing pagtatago ni Ziarah kapag kasama niyang dumating si Kat.

Hindi naman puwedeng sa banyo dahil maaaring magtu­ngo roon si Kat. Mabibisto siya.

Sabagay puwede naman siyang magtago sa kuwarto niya sa itaas. Kaya lang buong araw at gabi siyang naroon dahil inaabot si Kat ng dalawang araw sa kanyang bahay. Minsan nga ay inabot si Kat ng tatlong araw. Nagpakasawa sila sa pagtatalik sa loob ng mga araw na iyon. Matindi si Kat sa pakikipagtalik kaya hindi niya basta-basta mahiwalayan kahit tinotopak. Naidasal ni Jonas na sana ay magbago na ng ugali si Kat.

Pagdating sa opisina ay nag­handa na siya sa pakikipagmi­ting sa top executives ng engineering firm.

Bilang structural engineer, siya lagi ang sinasangguni ng mga boss. Malaki ang tiwala sa kanya. Matagal-tagal na rin kasi siya sa kompanya at marami na silang nagawang proyekto. Nakapokus sila nga­yon sa paggawa ng mga mall sa labas ng Metro Manila.

Maya-maya pa, sinabihan na siya ng secretary na magtungo na sa VIP room dahil magsisimula na ang meeting. Agad siyang nagtungo roon.

Nang mga sandali namang iyon ay abalang-abala si Ziarah sa paglilinis sa bedroom ni Jonas.

Nang buksan niya ang malaking antique na aparador na may mga damit, maraming alikabok.

Sinimulan niyang linisin. Sa kapal ng alikabok, halatang matagal nang hindi nalilinis.

Inilabas niya ang mga damit ni Jonas at saka pinunasan ang bawat andana ng aparador. Sa laki ng aparador ay kasya siya sa loob. Mamahalin marahil ang aparador dahil yari sa piling kahoy na narra. (Itutuloy)

vuukle comment

APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with