Ang babae sa aparador (19)
‘‘BA’T naman aalis agad tayo, Kat?’’ Nagtatakang tanong ni Jonas. Dati-rati inaabot sila ng dalawa hanggang tatlong araw na naka-check-in sa paborito nilang hotel.
“Basta uwi na tayo!’’ Sabi ni Kat habang nagba-bra.
“Hindi pa tayo nagsasawa ah!’’
“Magbihis ka na at umuwi na tayo.’’
Nahiwagaan si Jonas sa ikinikilos ni Kat pero hindi na siya nagtanong pa dahil baka humantong lamang sa pagtatalo.
Bumangon siya at nagtungo sa banyo. Nag-shower nang mabilisan.
Pagkatapos ay nagbihis.
Makalipas ang ilang minuto, niyaya na niya si Kat na noon ay nagme-meykap.
“Tena na!’’
“Sandali lang at nagmemeykap ako.’’
“Akala ko ba nagmamadali ka?’’
“Saglit nga lang!’’
Naupo siya sa gilid ng kama at binuklat ang cell phone niya habang abala sa pagme-meykap si Kat.
Makalipas ang ilang minuto, natapos si Kat.
‘‘Tena!’’ Yaya nito.
Bumaba na sila. Nagtungo sa lobby at nag-checkout.
‘‘Saan kita ihahatid?’’ Tanong ni Jonas nang makalabas sila sa compound ng hotel.
“Sa mall na lang na pinagkitaan natin kahapon.’’
“Bakit dun?’’
“Basta.’’
Inihatid niya sa mall.
Nang bababa na si Kat nakangiting nagsalita si Jonas.
“Wala bang kiss?’’
‘‘Magdamag mo na akong kasama, ki-kiss ka pa!’’ Sabi at bumaba na si Kat na hindi na nilingon si Jonas.
Napailing na lang si Jonas na hinabol ng tingin si Kat.
May topak na naman ang babaing ito!
Umalis na si Jonas.
Nang dumating siya sa kanyang bahay, napuna agad niya na malinis sa bakuran. Winalisan ang garahe. Nawala ang alikabok at pati mga halaman sa paso ay diniligan.
Binuksan ni Ziarah ang pinto.
“Wala kang kasama Kuya? Hindi mo kasama si Kat?’’
“Hindi!’’
(Itutuloy)
- Latest