Mga lumabag sa curfew sa India, hinuli ng mga pulis at pina-squat sa kalsada

KAKAIBA ang ginagawa ng mga pulis sa India para matakot ang mga pasaway na nagkukumpul-kumpol at pakalat-kalat sa kalsada sa dis-oras ng gabi, bukod sa pagpalo, pinai-squat din nila ang mga ito.

Masyadong mababagsik ang mga pulis sa Maharashtra sa pagpapatupad ng “janata curfew” bilang pagsunod sa batas ng quarantine kaugnay sa paglaganap ng corona­virus o COVID-19.

Bukod sa paghabol at pagpalo sa violators, ang mga nahuhuli ay pina-i-squat nila sa kalye ng ilang oras. Walang pinipili ang mga pulis – ma-lalaki man o babae, pinai-squat nila.

Ayon sa mga pulis ito raw ang mabisang paraan para hindi gumala-gala ang mga pasaway lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng COVID cases sa India.

Ayon pa sa mga pulis, habang naka-squat ang violators ay hawak din ng mga ito ang kanilang taynga.

Show comments