^

Punto Mo

EDITORYAL - Kasalanan ba ang tumulong?

Pang-masa
EDITORYAL - Kasalanan ba ang tumulong?

IGNORANTE. Walang alam. Ito ang mariing sinabi ni President Rodrigo Duterte kay Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Manuelito Luna makaraang sibakin niya ito sa puwesto noong Biyernes ng gabi. Nadismaya ang Presidente nang malaman na magsasagawa ng pag-iimbestiga si Luna kay Vice President Leni Robredo dahil nakikipagkumpetensiya umano ito sa gobyerno sa pamamahagi ng relief operations sa mga naapektuhan ng COVID-19.

“Mayroon talagang taong gago!’’ Sabi ng Presidente na hindi naitago ang pagkainis nang malaman­ ang gagawin umanong probe ni Luna kay Robredo. Ayon sa Presidente walang mali sa ginagawa ng Vice President na pangangalap ng pondo at paghi­ngi ng tulong sa mga pribadong sektor sapagkat para naman ito sa mga kababayang apektado ng virus. Wala umanong masama sa ginagawa ni Rob­redo at dapat walang pulitika sa pagkakataong ito na may malaking problemang hinaharap ang bansa. Ayon pa sa Presidente wala siyang masamang masasabi kay Robredo sapagkat gusto lamang niyang makatulong at walang mali sa kanyang ginagawa. May pagkakataon daw na pinupuna o binabatikos niya ang Vice Presidente sa maling ginagawa nito pero ngayon, wala itong ginagawang mali. Hindi raw ito dapat imbestigahan gaya ng balak gawin ni Luna.

Masama ba ang tumulong? Napakasimple­ ng tanong pero hindi ito naabot ng PACC commissioner. Tama ang Presidente. May mga taong hunghang na hindi maabot ng kaisipan ang tamang ginagawa ng kapwa. Walang sentido komon na ang taong naghahanap ng paraan para makatulong sa mga biktima ng virus ay paiimbestigahan at naki­kipagkumpetensiya. Nasaan ang utak ng taong ito?

Tama lang na alisin siya sa puwesto at baka hindi lang ganito ang kanyang balakin. Ang pagkaka­sibak sa PACC commissioner ay babala naman sa iba pang government official na hindi nag-iisip sa kanilang hakbang. Huwag gagayahin ang PACC commissioner at baka maging daan sa pagkaka­alis sa puwesto. Huwag na huwag aalipustain ang mga naghahandog ng tulong.

TUMULONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with