^

Punto Mo

Weird work habits ng mga manunulat

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Friedrich Schiller: German poet, playwright, writer, historian, philosopher na nabuhay noong 1759 hanggang 1805. Nakakapagsulat lang siya kung may naaamoy siyang nabubulok na mansanas sa drawer ng kanyang office table. Ang aroma ang nagbibigay sa kanya ng motivation para maging malikhain.

Alexandre Dumas: French writer na sumikat sa kanyang obra na The Three Musketeers at The Count of Monte Cristo. Ang kanyang nobela ay sa blue paper niya isinusulat. Ang mga tula ay sa yellow paper. Ang essay or feature articles ay sa pink paper.

Truman Capote: American screenwriter, playwright at author ng mga libro. Masyado siyang mapamahiin. Hindi niya sinisimulan ang pagsusulat ng kanyang obra sa araw ng Biyernes lalo na kung matatapat ito sa Friday the 13th.

Sidonie-Gabrielle Colette: French novelist. Hinihingutuhan niya muna ng garapata ang kanyang paboritong aso na si Souci. Kapag naramdaman niyang nasa mood na siya, saka niya uumpisahan ang pagsusulat.

Gertrude Stein: American writer ng tula, play at nobela. Pupuwesto siya sa front seat ng kotse at doon magsusulat.

Ernest Hemingway: Novel Prize winner at isa sa kinikilalang great American novelist. Kailangang nasa paligid niya ang alagang 60 pusa kapag nagsusulat. Iniwan siya ng asawang nurse at sumama sa ibang lalaki. Ito ang naging ugat ng kanyang pagiging malungkutin at nang magtagal ay nagpakamatay.

Sir Walter Scott: Scottish historical novelist, poet, playwright. Nagsusulat ng tula habang nakasakay sa kabayo. Mas nagiging malikhain siya kapag lumulukso-lukso ang kabayo.

Jack London: American author ng sikat na White Fang at The Call of the Wild. Gumigising siya ng 5 am para magsulat sa kanyang higaan. Ang kanyang bed ang nagsisilbing “office”.

James Joyce: Irish novelist at author ng Ulysses (1922) at Finnegans Wake (1939). Bago magsimulang magsulat, magbibihis  muna siya ng white coat para lang dumapa sa bed upang magsulat. Dahil sa posisyong ito, hindi siya gumagamit ng typewriter. Binubuo niya ang kanyang kuwento sa pamamagitan ng handwriting.

vuukle comment

WEIRD WORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with