Bawang, lumobo sa tunisia dahil sa fake news na pangontra raw ito sa presyo ng COVID-19
BIGLANG lumobo ang presyo ng bawang sa Tunisia matapos kumalat ang maling balita roon na proteksyon daw sa corona virus ang pagkain nito.
Pumalo sa 20-25 dinars (katumbas ng P350 hanggang P450) ang presyo kada kilo ng bawang sa central market ng Tunisia kamakailan. Napakamahal na ng nasabing halaga lalo na’t nasa 600 dinars (katumbas ng humigit kumulang P10,500) lang ang average na suweldo ng mga mamayan doon.
Kumalat ang balita matapos na ilang websites at online posts ang nagsabing magbibigay ng proteksyon sa COVID-19 ang pagkain ng bawang, gaya ng proteksyon na ibinibigay raw nito laban sa pangkaraniwang trangkaso.
Pinabulaanan naman ito ng World Health Organization (WHO) na nagsabing bagama’t nakakatulong ang bawang sa pagpuksa ng mikrobyo ay wala pang pag-aaral na nagsasabing makakatulong ito laban sa corona virus.
Ngunit sa kabila ng sinabing ito ng WHO, tuluy-tuloy pa rin ang pamamakyaw ng bawang ng mga taga-Tunisia.
- Latest