^

Punto Mo

Paninindigan

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG babae ay first time na umibig. Marami siyang manliligaw pero wala siyang magustuhan. Hanggang isang lalaki ang nakapukaw ng kanyang pihikang panlasa. Kaya lang, dahil hindi nagkakaranas magkaroon ng boyfriend since birth, ibinigay kaagad nito at ipinatikim ang ipinakatagu-tagong petsay.

Ang babae, kahit 25 years old na, ay walang kamalay-malay sa kahalayan kaya natural, isang kasa lang ng baril, may nabuo kaagad na isang kaluluwa. Asar na asar ang mga magulang dahil para sa kanila ay isang kahihiyan ang mabuntis na hindi ka pa ikinakasal. Ang lalaking nakabuntis ay may magandang propesyon at handang pakasalan ang babae pero naasar sa kanya ang mga magulang ng babae na mga conservative. Ang feeling ng mga ito ay na-betrayed sila. Sana ay inuna muna ang kasalan bago ang tikiman. Kaya’t nang namanhikan ang lalaki, inisnab ito ng mga magulang. Panindigan na lang daw ang pagiging dalagang ina ng kanilang anak.

Nakiusap ang babae na payagan na silang magpakasal pero tumutol ang magulang. Dumating pa sa punto na pinapili nila ang anak: Sila o ang lalaking iyon. Gumamit ang ina ng emotional blackmail: Kung gusto mong mapaaga ang kamatayan ko, sige sumama ka sa lalaking iyon!

Pinili ng babae ang kanyang mga magulang. Nagkalayo sila ng kanyang boyfriend. Isinakripisyo niya ang kanyang kaligayahan. Hindi na siya nag-asawa kahit kailan. Ngayong matanda na siya, at nag-iisa dahil nasa abroad ang kaisa-isang anak, saka siya napapaluha sa pagsisi. Sayang kung pinanindigan lang niya ang kanyang pag-ibig.

Sana ay pinili niya ang idinidikta ng kanyang puso. Bakit siya natakot na baka mamatay ang kanyang ina kapag sumama siya sa kanyang boyfriend, samantalang noong panahong iyon ay super healthy ito. In fact, 95 years old na ito nang pumanaw. Minsan kasi, selfish ang mga magulang. Sariling satisfaction lang ang iniintindi. Basta lang umaayaw sa taong iniibig ng kanilang anak kahit walang malalim na dahilan. Basta ayaw lang. Gusto lang testingin kung sino ang pipiliin ng anak. Akala nila ay isang property ang anak na pag-aari nila.

Sumasaya lang ang buhay niya sa panonood ng TV at pagbabasa sa mga artikulo tungkol sa mga artista. Tagahanga siya ni Sarah Geronimo. Natuwa siya sa ginawa nitong desisyon na magpakasal kay Mateo.

vuukle comment

CONSERVATIVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with