^

Punto Mo

Ginang nagpasaklolo sa BITAG makaraang takbuhan ng RQG Transport

BITAG KILOS PRONTO - Ben Tulfo - Pang-masa

MAY mga trolls na kumu-kuwestiyon sa estilong ginawa ng BITAG strikers sa hottest video ng BITAG Official Youtube channel, “Putris ka! Nag-hit and run ka na, siga ka pa! May kalalagyan ka!”

Bastos at mayabang daw ang aking mga staff, manang-mana raw sa amo. Sagot ko, I love you more! Epekto na lang kasi ng problema ang nakita ng mga kumag. ‘Yung dahilan ng problema na may nagrereklamo, wala silang pakialam.

Kamakailan, humingi ng tulong sa BITAG Pambansang Sumbungan ang isang ginang para sa kanyang mag-ama. Habang tumatawid kasi silang mag-anak sa kalsada, bigla silang nabundol ng isang taxi na pagmamay-ari ng RQG Transport.

Tatakas na sana ‘yung driver pero napigilan nang dahil sa stop light. Dinala sila sa ospital, naipagamot ang anak at nag-iwan ng P5,000. Nangako ang drayber na babalik kasama ang operator para ipagamot din ang padre-de-pamilya na mas malubha ang pinsala. Subalit, wala nang bumalik sa pamilya hanggang lumabas ng ospital.

Tumakbo sa BITAG ang ina dahil awang-awa na sa kalagayan ng kanyang mister na hindi pa naipagamot. Dahil kasi sa aksidente, hirap nang magsalita, hindi na makatayo nang maayos, at la­ging tulala ang padre-de-pamilya.

Kasama ang Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 4 at Business Permit and Licen­sing Office (BPLO), pinuntahan ng BITAG strike team ang opisina ng RQG Transport para makausap ang operator. Eh ang siste, nagpakita ng kabastusan, kasinungalingan, at pagwawalambahala ang mga empleyado ng inirereklamong kompanya.

Sinong hindi mayayamot na kasama mo na ang mga awtoridad, walang modo pa ang iyong makakaharap. Pilit pang itanggi ng nagpakilalang clerk na hindi roon ang opisina ng RQG Transport. Hindi rin daw nila alam ang insidente, pumalag ang nagrereklamo’t ilang beses na pala silang nagpabalik-balik doon.

Pero bihasa sa pagsusuri at pag-iimbestiga ang BPLO Quezon City. Nakita ang mga dokumentong iisa ang kompanyang RQG at Euro Transport, na parehoong doon ang tanggapan. Nakaharap din ng aking mga staff ang taxi driver na nakabangga, nakakaawa na sana dahil mukhang wala talaga siyang kakayahang panagutan ang kaniyang kinasangkutan. Kaso mo, nagsinungaling din, wala naman daw diperensiya ang biktima kaya hindi na siya bumalik.

 Sa madaling salita, kung hindi pa nanghimasok ang BITAG ay patuloy na babalewalain ng operator ang mga nagrereklamo. Hindi ko tuloy lubos maisip na kung kami na ang bumisita ay ganito ang inaasal ng mga hinayupak na ‘to, lalo na kung ang mga biktima pa ang kaharap nila.

Sa gitna ng mainit na komosyon sa pagitan ng mga empleyado ng RQG Transport at BITAG investigators, salamat naman at tumawag ang operator.  Sa pinagkasunduang araw, nagharap ang mga nagrereklamo’t operator ng RQG Transport sa QCPD Traffic Sector 4. Nangako ito na sasagutin ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot ng biktima. Agad ding dinala ang biktima sa ospital para ipa-CT scan ito, naidokumento rin ito ng BITAG.

 Nagiging bastos lamang ang BITAG kapag bastos din ang lengguwaheng ginagamit at ipinapakita sa amin ng sinuman. Talagang tumatayo at ipinaglalaban namin ‘yung mga totoong inagrabiyado. Mang-away man kami ng mga kolokoy, kumag at kenkoy, maibigay lang ang hustisya para doon biktima, ay gagawin ng BITAG ng mas masahol sa asal ng aming kaharap.

BITAG OFFICIAL YOUTUBE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with