^

Punto Mo

Ginamit ang talukap ng mata sa pagsusulat

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

*Jean Dominique Bauby (lalaki, April 23, 1952- March 9, 1997)

MAS kilala siya sa tawag na Jean-Do, isang sikat na French journalist, author ng libro, naging editor ng French fashion magazine na ELLE. Noong 1995, bigla siyang inatake sa puso at nag-comatose ng 20 araw. Nang magkamalay, natuklasang nagtataglay na siya ng kakaibang neurological disorder na kung tawagin ay locked-in syndrome. Perfect at normal ang kanyang pag-iisip ngunit paralisado mula paa hanggang ulo. Ang naigagalaw lamang niya ay ang kaliwang talukap ng mata.

Sa kabila ng kanyang kondisyon, nakapagsulat pa rin siya ng libro: The Diving Bell and The Butterfly. Paano siya nakapagsulat sa kalagayan niyang talukap lang ng isang mata ang naigagalaw? Iyon nga. Talukap ng mata ang ginamit niya sa pagsusulat. Ang galing ‘no ?

Ganito iyon. Mayroong isang tagabasa ng alphabet. Isa-isang babasahin ang mga letra sa paraang mabagal. Ikukurap ni Jean-Do ang kanyang mata kapag iyon na ang letra na tinutukoy niya. Pagkatapos ay isusulat ng tagabasa ang letrang tinukoy.

Mabagal at mahabang proseso ang pinagdaanan ng The Diving Bell and The Butterfly bago ito natapos. Ito ay tungkol sa talambuhay ni Jean-Do. Inilalarawan niya ang nadarama at naiisip habang paralisado ang kanyang buong katawan. More or less ay ganito ang paglalarawan niya sa kanyang kondisyon: “A prisoner inside his useless body”. Ang libro ay na-published sa France noong March 7, 1997. Pagkaraan ng dalawang araw ay namatay si Jean-Do dahil sa infection.

Isinalin sa pelikula ang The Diving Bell and The Butterfly noong 2007. Nominated sa Oscars ang cinematography at editing, nanalo sa Cannes Film Festival at Golden Globe Award.

JEAN-DO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with