^

Punto Mo

Mag-ingat sa kung anu-anong gimik at modus

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SA ating mga Pinoy, ang Bagong Taon ay maituturing na fresh start. Bagong adhikain, hangarin, estratehiya at panimula. Pero mag-ingat din sa mga bagong pa-promo, gimik, at modus!

Isang ginang na ang akala niya’y magiging masagana ang kanyang 2020 sa pagsali sa isang promo ng brand ng kape. Pero ilang araw bago mag-2020 nang matuklasan niyang ang kanyang jackpot prize ay isang malaking panggogoyo lang pala.

Isang text message raw umano ang natanggap ng kanyang nanay galing sa isang numerong hindi naman registered sa kanilang phonebook. Nanalo raw siya ng P500,000 dahil nabunot ang kanyang pangalan sa raffle promo ng sikat na brand ng kape.

But here’s the catch, P100,000 ang hinihingi ng representante ng kompanya ng kape para mai-turn over ang kalahating milyong pisong papremyo.

Nahulog sa lambat ng panloloko ang kanyang ina. Ang naipon niya mula sa pagtatrabaho sa abroad, ibinigay sa scammer. Hindi pinaalam sa kanya ng ina ang ginawa dahil balak daw sana siyang sorpresahin nito.

Ang ending, pareho silang nasorpresa! Walang dumating ni isang kusing na premyo pabalik sa kanila. Ang mag-ina, magbabagong taon na’y sisihan at sama ng loob ang regalo sa isa’t isa.

Ang pakay ng ginang sa akin, bawiin ko sa scammer ang P100,000 na ipinamigay ng nanay niya. Hindi ko layunin na putulin ang pag-asang mabawi pa nila ang pera subalit aaminin ko na sa mga ganitong kaso, malabung-malabo na.

Aabutin ng siyam-siyam bago matunton ang kolokoy na nanloko sa kanila. Kung mahuli man ang scammer, isang malaking katanungan kung maibabalik pa ba ang pera?

Hindi na mabilang sa daliri ng mga kamay at paa ang mga sumbong na nakarating sa aming tanggapan na kapareho nito. Mga boss, pauli-ulit kong paalala. Walang maloloko kung walang magpapaloko. Huwag maging gahaman sa perang hindi naman pinaghirapan. Walang yumayaman sa isang text lang.

Sa dinami-dami na ng babala ng BITAG at ng mga otoridad mula noon hanggang ngayon, iwanan na ang katangahan at katamaran sa nagdaang taon.

Huwag na huwag pansinin ang mga ganitong klaseng gimik. Mas madaling umiwas kaysa maghabol sa mga dorobong scammer.

MODUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with