^

Punto Mo

Rubik’s Cube ng British inventor, higit 6 na talampakan ang taas

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG British inventor na mahilig sa mga puzzles ang nagsabing nahigitan na niya ang sariling Guinness World Record sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang Rubik’s cube na may taas na 6 na talampakan at 8 pulgada.

Ayon sa taga-Ipswitch, England na si Tony Fisher, nahigitan ng kanyang bagong gawang Rubik’s cube ang dating ginawa niya na tinanghal bilang world’s largest Rubik’s cube, na mayroon lamang taas na 5 feet at 1.7 inches.

Ayon kay Fisher, magsusumite na siya ng mga dokumento sa Guinness upang kilalanin na nito ang pinakabago niyang Rubik’s cube.

Bukod sa pinakamala- king Rubik’s cube, hawak Din niya ang Guinness records para sa pinakamaliit na Rubik’s cube na nasa 0.22 pulgada lamang, at ang pinakamala-king fidget spinner sa mundo.

RUBIK’S CUBE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with