Ilang kaalaman tungkol sa Zombie
NAGKAROON ng pag-aaral ng mga ethno botanist at anthropologist na si Wade Davis tungkol sa pinagmulan ng zombies sa Haiti. Ito ang kanilang nakalap na impormasyon:
Ang isang buhay at normal na tao ay kayang gawing zombie ng bokors, mga mangkukulam sa Haiti, sa pamamagitan ng pagpapakain ng pinaghalo-halong tae ng tao, isang klase ng halaman, dinikdik na pinatuyong buteteng dagat (puffer fish) at palaka na nagtataglay ng lason.
Kapag ipinakain ang mixture, ito ay nagpapahina ng tibok ng puso, nagpaparalisa ng nerves at muscle, natutuyo ang balat at sinisibulan ng mga sugat. Dito na siya magsisimulang magmukhang zombie—nawawala sa sarili na parang patay na nabuhay.
Kadalasan, ang isang tao na ginawang zombie ng bokor ay ginagawa niyang trabahador sa tubuhan. Kung ang taong may normal na pag-iisip ang gagawing trabahador, kailangan pa nilang bayaran ang mga ito. Kung alipin naman, mag-iisip pa itong tumakas kapag nakadama ng hirap sa pagtatrabaho. Ang zombie nga naman ay walang kapaguran at hindi nagrereklamo.
Ang salitang zombie ay mula sa wikang Haitian Creole na zonbi na ibig sabihin ay animated corpse na binuhay sa pamamagitan ng witchcraft. Kung ang zombie ay patay na binuhay ng bokor, sila ay mapapabalik sa hukay pagkatapos subuan ng asin.
(Itutuloy)
- Latest