^

Punto Mo

Metro Manilan’s, may tiwala kay Eleazar!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

MAY tiwala na ang publiko sa liderato ni National Capital Region Police Office  chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar kung itong 29,073 crime reports na tinanggap ng NCRPO sa kanilang hotline at text messages ang gagawing basehan. Open-secret naman kasi mga kosa na noong nakaraang mga panahon, halos tumatahimik na lang ang publiko sa mga naranasan nilang krimen sa takot nila na hindi sila papansinin o mamalasin pa kapag nagreport sila sa pulisya.

Subalit nabago ang lahat ng agam-agam ng publiko sa kapulisan nang maupo si dating NCRPO chief at ngayon ay PNP chief Gen. Oscar Albayalde at inumpisahan n’yang linisin ang hanay ng pulisya ng kotong cops. At para isulong pa ang programa ni Albayalde, bumuo naman si Eleazar ng tinatawag na messaging system para hindi na pupunta sa istasyon ng pulisya ang publiko para magreklamo dahil isang text lang, OK na.

Epektibo ang pamamaraan na ito ni Eleazar at dahil na rin sa action n’ya sa mga sumbong sa NCRPO hotline, aba nabawasan ang krimen sa Metro Manila ng halos 7 percent, ‘di ba mga kosa? Kaya sa mga kriminal d’yan, lalo na ang mga drug pushers, mag-lie-low na kayo dahil hindi kayo sasantuhin ni Eleazar para lalong maipababa ang krimen sa Metro Manila nitong tinatawag na “ber” months. Araguuyyyy! Hak hak hak! Isang pindot lang sa celfone, tiyak bubulagain kayo kahit saan kayo magtago, ‘di ba mga kosa?

Nang maupo si Eleazar sa NCRPO noong June 29, 2018, itinayo n’ya ang text messaging sa pagreport ng krimen at aabot na sa 29,073 reports ang tinanggap nila sa SMS na “I Send Mo sa TEAM NCRPO. Sa Smart network No. 09999018181 ay aabot sa 13,518 ang tumawag samantalang sa Globe No. 09158888181 ay may 15,555 text naman ang natanggap.

Sa mga tawag, 5,767 ang inaksiyunan ng NCRPO at 1,177 naman ang nabigyan ng police assistance. Sa natanggap na reports, 481 dito ay tungkol sa reklamo laban sa kapulisan, kotong at extortion ng ibang government agency ay 10, illegal gambling 838, illegal drugs 2,928, threats 9, public service 18, city ordinance 273, theft at robbery 14, wanted persons 10 at Omnibus election code violation ay 9.

Aabot naman sa 7,654 na report sa NCRPO hotline ang pagpapasalamat ng publiko sa ginawang trabaho ng pulisya, 9,806 ang prank calls at 5,846 ang hindi saklaw na trabaho ng kapulisan. Nais naman ni Eleazar na palawakin pa ang pamamaraan para madaling mag-report ang publiko ng mga krimen sa pag-utos sa kanyang district directors at 38 police commanders na mag-monitor sa social media at aksiyunan ang mga post patungkol sa krimen. Araguuyyyy! Hak hak hak!

Lumiliit na talaga ang kalsadang ginagalawan ng mga kriminal at drug pushers, di ba mga kosa?

Kung sabagay, aktibo na rin si Eleazar sa social media kung saan ang mga post patungkol sa nangyayaring krimen at pina-imbestigahan kaagad at pinalulutas n’ya. Hinikayat din ni Eleazar ang mga millenials na maging aktibo sa pagreport ng krimen sa social media at ipinangako n’yang magiging confidential ang pagkakilanlan nila para iwasang balikan sila ng mga kriminal at drug pushers. Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Abangan!

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with