^

Punto Mo

EDITORYAL - Nakamit na ni Demafelis ang hustisya

Pang-masa
EDITORYAL - Nakamit na ni Demafelis ang hustisya

MATATAHIMIK na rin marahil ang kaluluwa ng Pinay overseas worker na si Joanna Demafelis. Pagkaraan nang mahigit 1 taon, napatunayan ng Syrian court na nagkasala sa pagpatay ang kanyang mga amo na sina Mouna Ali Hassoun, isang Syrian at asawang si Nader Esam Assaf, isang Lebanese. Ito ang ikalawang hatol sa mag-asawa dahil sa krimen. Ang una ay noong Abril 2018 nang hatulan sila ng Kuwait court ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbigti. Hindi pa batid kung anong uri ng parusa ang igagawad ng Syria sa mag-asawang killer pero sabi ni Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin Jr., tiyak nang kamatayan ang kahahantungan ng dalawa.

Karumal-dumal ang ginawa kay Joanna ng kanyang mga amo sa Kuwait. Naglilingkod si Joanna sa mga ito bilang domestic helper simula 2014. Noong Peb­rero 2018, isang abandonadong apartment sa Kuwait ang sinalakay ng mga pulis at nahindik ang mga ito sa nakita sa freezer --- isang bangkay ng babae. Nakilala ang bangkay na kay Joanna Demafeliz. Marami itong pasa sa katawan. Ayon sa report, maaaring isang taon na itong nasa freezer. Tumakas ang mga amo nito at inabandona ang apartment na inuupahan. Walang makapagsabi kung ano ang dahilan at pinatay si Joanna. Sabi ng kapatid ni Joanna na nasa Pilipinas, bigla raw tumigil sa pakikipag-communicate ang kanyang kapatid sa kanila kaya humingi siya ng tulong sa Embahada sa Kuwait subalit hindi sila pinapansin ng mga opisyal doon.

Hanggang sa makialam na ang Department of Labor at saka lamang nabatid ang nangyari kay Joanna sa kamay ng mga amo nito. Nagalit si President Duterte at iniutos ang deployment ban ng overseas workers sa Kuwait. Inalis lamang ang ban makaraang mangako ang Kuwait na puproteksiyunan ang mga Pinoy workers sa Kuwait. Ilang buwan ding natigil ang pagpapadala ng domestic helper sa Kuwait.

Nakamit na ni Joanna ang hustisya. Kamatayan din ang hatol sa mga malulupit niyang amo. Kung ano ang inutang, ganundin ang kabayaran. Matatahimik na rin marahil ang isipan at kalooban ng mga naulila ni Joanna.

 

vuukle comment

DEMAFELIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with