^

Punto Mo

Ano ang pinagkaiba ng contract of sale at contract to sell?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Atty.,

Hindi ako nakabayad ng walong buwan sa hinuhulugan kong condominium unit. Ayon sa seller, kakanselahin na lang daw niya ang aming kontrata at ibebenta na lamang niya ang unit sa iba. Maari po ba niya itong gawin? Akala ko ay naibenta na sa akin ang condo nang nagpirmahan na kami ng kontrata. Ipinipilit naman ng seller na isang contract to sell lamang ang pinir­mahan namin at hindi isang ganap na bentahan dahil hindi naman daw mapapasaakin ang unit hangga’t hindi ko nababayaran ng buo ng presyo nito. Tama po ba siya?

Amelia

Dear Amelia,

Ipinaliwanag ng ating Korte Suprema ang pinagkaiba ng “contract of sale” mula sa “contract to sell” sa kaso ng Nabus v. Pacson (G.R. No. 161318, November 25, 2009). Ayon sa nasabing kaso, ang contract of sale base sa Article 1458 ng Civil Code ay isang kontrata kung saan inoobliga ng isang partido ang kanyang sarili na ilipat ang pagmamay-ari ng isang bagay sa iba kapalit ng napagkasunduan nilang presyo. May tatlong elemento ang contract of sale ayon sa Korte: (1) ang kasunduan ng dalawang partido na ilipat ang pag mamay-ari ng isang bagay kapalit ng presyo nito; (2) isang tukoy na bagay na siyang paksa ng bentahan; at (3) ang tukoy na presyo nito.

Basahin mong mabuti ang inyong kontrata ngunit kung ang pagbabasehan lang ay ang sinabi mo na hinuhulugan mo pa ang condominium unit ay malamang na hindi nga contract of sale ang inyong kontrata dahil kulang ang unang elementong nabanggit. Hindi naman kasi karaniwang inililipat kaagad sa pangalan ng buyer ang titulo ng isang hinuhulugang real property katulad ng condominium unit hangga’t hindi pa lubos na nababayaran ang presyo nito.

Malamang na isang contract to sell ang iyong pinirmahan kung saan karaniwang inoobliga ng seller ang kanyang sarili na ilipat sa pangalan ng buyer ang titulo kapag nabayaran na ng buo ang presyo. Kaya kung sakaling hindi nabayaran ng buo ang presyo katulad ng sa sitwasyon mo ay walang obligasyon ang seller na ilipat ang titulo ng real property sa buyer at maari pa rin niya itong ipagbenta sa iba.

Sana’y nasagot ko ang iyong katanungan. Paalala lamang na ang payong legal na nakasaad dito ay base lamang sa impor­masyong inilahad ng sumulat at maaring hindi ito angkop sa ibang sitwasyon.

CONTRACT OF SALE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with