^

Punto Mo

Scoop?

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

HULI man daw at magaling, late pa rin! Ganito ang naging sentimiento ng ilang airport reporters ngayon umaga ng maunahan sila ng ibang reporters regarding sa mga pangalan ng mga namatay sa plane crash last Sunday sa isang private resort sa Pansol Laguna.

Napailing ang ibang reporter dahil sa pakiramdam nila ay na-iskopan sila ng mga provincial reporters sa Laguna porke kumpleto ang mga ibinigay nitong ulat sa kanilang mga bossing sa Manila na naghihintay ng malaking istorya sa nangyaring pagbagsak ng isang Beechcraft King Air type (BE350) medical evacuation aircraft operated by Lion Air at may registry number RP-C2296.

Siyam katao ang natigok dito na pawang mga sakay ng eroplano pero sa flight manifest ay 8 passengers lang ang nakatala samantala si Erma Carr, isang Fil - New Zealand citizenship ang wala sa listahan pero kasama din ito sa mga nasawi.

Ang walong nasa passengers manifest kabilang ang aircraft crew ay sina  Capt. Jesus Fernandez (pilot), First Officer Lino A. Cruz, Jr. (co-pilot),  Dr. Garret Garcia, MD., Kirk Eion Badilla, RN, Yamato Togawa, RN,  Ryx Gil Laput, Raymund Bulacja (flight mechanic) at Tom Carr (patient) at watot ni Erma.

Masusing iniimbestigahan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) ang pangyayaring insidente.

Inamin ng CAAP spokesman Eric Apolonio, na hindi agad sila nakapag-release ng partial information dahil inaantay pa nila ang final investigation na isinasagawa ng AAIIB, tungkol sa nangyaring crash.

Naku ha!

Ano ba ito?

Sabi ng mga bright na mga taga - media, kung hindi na kaya wag ng pilitin ang sarili mag-resign na lang para ang ibang may kaya ang siyang magbato ng balita.

Sa palagay ninyo ?

Kambiyo issue, gumagawa ng paraan ang mga autoridad para malaman ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano na galing Manila lumipad patungong Dipolog airport para kuhanin ang si Tom Carr, na may sakit at ibalik muli sa Manila ng maganap ang nakakakilabot na aksidente.

Abangan.

* * *

Tidbits 

Nagkabalasan pala sa Bureau of Immigration sa tatlong international terminals sa NAIA, kaya tuloy nagulantang ang iba sa mga tinamaan dahil sa kanilang sarili ay wala silang kasalanan.

Kawawa naman !

Hiniling ng isang ‘yellow army’ sa kanyang bossing sa BI main office na i-rigodon ang mga miembro ng BI - Travel Control Enforcement Unit para diumano mawala ang kurapsyon sa paliparan ?

Naku ha !

Totoo kaya ito ?

Galit si lady ‘yellow army’ sa mga dating official ng immigration lalo may nagkamal diumano ng malaking halaga ng salapi dito kaya agad bumitaw sa bureau ?

Naku ha !

Bintang na naman.

Sabi ng mga bright sa airport panonoorin muna nila ang lipatan blues ng ilang araw para makita kung may pinagbago sa paliparan.

Abangan.

BEECHCRAFT KING AIR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with