^

Punto Mo

900 katao, sumayaw sa Mexico para sa pinakamalaking folk dance sa mundo

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HALOS 900 ang sumayaw sa tugtog ng mariachi music sa Guadalajara, Mexico para makapagtala ng bagong Guiness world record para sa pinakamalaking folk dance sa mundo.

Hindi naging hadlang ang mainit na panahon sa 882 kalahok, na sumayaw habang nakasuot pa ng tradisyunal na costume ng Mexico. 

Layon nilang mahigitan ang dating record na naitala rin sa Guadalajara noong 2011 kung saan, 457 katao ang sumayaw.

Kailangang sayawin ng mga kalahok ang isang choreographed routine sa loob ng limang minuto nang hindi tumitigil upang mag-qualify sa world record, ayon sa Guinness judge na si Carlos Tapia.

Agad namang inanunsiyo ang resulta ng world record attempt at sa huli ay kinumpirma ng Guinness na nakapagtala muli ang mga taga-Guadalajara ng bagong world record.

FOLK DANCE

GUINESS WORLD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with