^

Punto Mo

Mga dorobong recruitment agency, magbabayad kayo sa kalokohan n’yo!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KABISADO na namin ang mga sumbong laban sa mga dorobong recruitment agency. Ito ang mga klase ng agency na gusto naming bitagin. Paano ba naman, sa bibig na nila mismo lumalabas ang kanilang mga kalokohan.

Tatlong OFW na naman ang nagsumbong sa amin mula Poland. Reklamo nila, pinagbayad sila ng agency ng mahigit P300,000. Ang problema, pagdating nila sa Poland, wala palang nakalaan na trabaho para sa kanila!

Ora mismo, nagkasa ng operasyon ang BITAG Strike Force kasama ang MPD Station-9 para puntahan ang Richland International Manpower Specialist.

Pagdating sa target area, hinarang na agad papasok ng building ang aming team. Ang mga kolokoy, umiiwas! They know that they did a huge mistake. Hindi nagtagal, humarap din naman ang ilang opisyales ng dorobong agency.

Paliwanag nila, nagkaroon lang daw ng problema sa sponsorship ng mga empleyado kaya pagdating doon, wala silang trabaho.

Ang lumalabas, isinisisi pa nila sa OFWs ang kinahinatnan ng mga ito sa Poland. Hinanapan naman daw kasi nila ng ibang trabaho ang kanilang mga empleyado pero naunahan silang makahanap ng mga ito.

Tuwing nagrereklamo ang mga trabahador, dinededma lang din sila ng kanilang employer. Habang papetiks-petiks lang sila rito sa Pinas, naghihikahos naman sa Poland ang mga OFW na naghihintay ng pangakong trabaho.

Ang nakagugulat pa rito, nakasulat sa wikang Polish ang pinapirma sa kanilang kontrata na ayon kay Atty. Bernard Olalia ng POEA ay hindi tama. Dapat ay laging may English translation ito upang maintindihan ng OFW. Dagdag pa ni Atty. Olalia, ngayon lang siya nakarinig na umabot sa P300,000 ang placement fee. Red flag na agad! Istrikto ang POEA rito.

Ang maximum amount ay hindi dapat hihigit sa one month salary ng OFW. Nang tanungin naman kung may resibo ba ang mahigit P300,000 na placement fee, wala sa hulog ang kanilang sagot. Depende naman daw sa empleyado kung hihingi sila ng resibo o hindi. Galawang dorobo talaga! Katwiran nila, nasa logbook naman daw nila ang listahan ng mga nagbayad at nakapirma raw ang mga ito. Nahuhulog na sila sa sarili nilang bitag!  

Bagamat mayroon silang lisensiya sa POEA, hindi naman tama ang proseso ng pagpapaalis nila sa mga empleyado. Mas malaking sakit ng ulo ang kahaharapin nila dahil kapag napatunayan ang kanilang mga paglabag, human trafficking ang krimen na ito. Nakatakda nang ipatawag ng POEA ang Richland International Manpower Specialist Company para maumpisahan ang imbestigasyon.

Hindi basta-basta ang hirap na dinadanas ng mga OFW kaya naman tututukan ng BITAG ang reklamong ito. We will not let them escape the consequences of their actions. Magbabayad sila sa mga kalokohan nila, one way or another.

RECRUITMENT AGENCY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with