^

Punto Mo

Manggagamot na, manghuhula pa!

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

… sequel ng ‘Bait-baitang Kapitbahay’

MINSAN, nagulat na lang ang neighborhood at biglang dumami ang mga taong naghahanap kay ‘Bait-baitang Kapitbahay’. ‘Yun pala ay may bago na itong career: manggagamot at manghuhula.

‘Di umano ay naghimala ang kanyang isang santong nakadispley sa altar dahil humaba bigla ang buhok nito. Simula noon nakakapagpagaling na raw ito sa pamamagitan ng paghilot sa bahagi ng katawang idinadaing na masakit ng pasyente. Kasama ng himala ay ang nagkaroon ito ng karunungang makapanghula.

Tumagal din ng ilang buwan na siya ay dinayo ng mga tao. Ngunit nang malaunan, mangilan-ngilan na lang ang bumalik hanggang sa nawalan na ito ng mga pasyente at parukyanong nagpapahula. Maagang lumipas ang kanyang “quack-quack” career kaya lumipat naman sa pagiging OFW recruiter. Pumasok siyang ahente ng recruitment agency. May isang nagreklamo na matapos magbayad ng malaking halaga ay hindi na natupad ang pangarap na makapagtrabaho sa abroad. Nagkataong may kamag-anak itong pulis kaya pinaghuhuli ang may-ari ng recruitment agency kasama si Kapitbahay.

Ilang dekada na ang lumipas pero nasa kulungan pa rin si Kapitbahay sa kasalukuyan. Inabandona na kasi siya ng asawa. Noong una ay tinutulungan siyang ikuha ng abogado pero nang magtagal ay iniwan na lang siyang mag-isa. Humanap na ito ng ibang mapapangasawa. Pati ang mga anak ay pinabayaan na rin. Ngayon ay wala na kaming balita sa pamilyang ito. Iniwang nakatiwangwang ang bahay. Bulok na bulok na. Ang pangit tingnan kaya isang kapitbahay ang kumuha ng maraming yero at ito ang itinakip sa harapan ng bahay para maitago ang pangit na view nito na masakit sa paningin.

Kung tutuusin ay maayos ang buhay ni Kapitbahay kaya lang ay hindi ito nakuntento sa kung ano ang mayroon siya. Dapat kung mangangarap ka ay idisenyo mo ito sa iyong kakayahan. Mababa lang ang pinag-aralan pero nagdoktor-doktoran; wala namang alam tungkol sa pagre-recruit ng tao para magtrabaho sa abroad pero ang lakas ng loob na pasukin ito; at higit sa lahat hindi niya pinaniwalaan si “Elsa” (starring Nora Aunor sa pelikulang Himala) nang sumigaw ito ng WALANG HIMALA!

MANGGAGAMOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with