Pinakamabilis na pag-solve sa rubik’s cube habang nakapiring, nagawa ng teenager mula Australia
MARAMI sa atin ang hirap na sa pag-solve pa lang ng Rubik’s Cube ngunit isang teenager mula sa Australia ang nakapagtala ng world record para sa pinakamabilis na pag-solve habang nakapiring pa ang kanyang mga mata.
Ipinamalas ni Jack Cai ng Australia ang galing sa Rubik’s Cube sa pamamagitan ng pag-solve sa laruan nang hindi man lang tinitingnan – isang kakaibang talento na nagbigay sa kanya ng world record.
Nagawa niya ito sa loob lamang ng 16.22 segundo, sa Koalafication Brisbane 2019 na idinaos noong Abril 6.
Natalo niya ang dating record by ng 0.33 segundo lamang.
Ayon kay Cai, lubhang nakakapagod sa isip ang pag-solve ng Rubik’s Cube habang hindi ito nakikita dahil kailangang lahat ng galaw niya ay perpekto.
Isang maling pihit lang daw sa Rubik’s Cube ang maaring pinagkaiba ng pagtatala ng bagong world record at kabiguan.
- Latest