MINSAN, tinanong ng ex-convict ang mabait na pari.
“Mabait ba ang Diyos?”
“Oo”
“Kahit sa kagaya kong walanghiya?”
“Kahit pa sa pinakamasamang tao sa balat ng lupa pero marunong magsisi at humingi ng tawad sa Diyos.”
“Father, pagbibigyan kaya ako ng Diyos kung hihilingin ko sa Kanya na makita kong muli ang aking pamilya na nahiwalay sa akin nang mahabang panahon?”
Hindi umimik ang pari at sa halip ay kumuha ng buhangin at iron filings: metal na kasing pino ng buhangin. Pinaghalo niya ito. Pagkatapos ay inilabas nito ang isang magnet.
“Naniniwala ka ba na may magnet ang hawak kong ito?”, tanong ni Father sa ex-convict.
Kumuha ng coins ang ex-convict sa kanyang bulsa at idinikit sa magnet. “Oo, dumikit kasi ang aking mga coins.”
“Kung ganoon…” nagsalita ulit ang pari, “ naniniwala ka ba na mapaghihiwalay ng magnet na ito ang pinaghalong buhangin at iron filings na ito?”
“Oo. Dahil kakabit sa magnet ang lahat ng iron fi-lings.”
Ngumiti ang pari at saka nagsalita, “Hindi ka nagduda sa kapangyarihan ng magnet, kaya bakit mo pagdududahan ang kapangyarihan at kabutihan ng Diyos?”