^

Punto Mo

EDITORYAL - Labanan ang mga gahaman

Pang-masa
EDITORYAL - Labanan ang mga gahaman

NAKAHAHANGA ang ginawa ng mga taga-Lobo, Batangas na nilabanan ang mga gahaman na maghuhukay sana sa kanilang ilog. Kung hindi sila lumaban, baka nakapag-dredging na ang MV Eme­rald sa kanilang ilog at mahaharap sa matinding pagkasira ang lugar. At tiyak na magkakaroon din ng dredging sa iba pang lugar sa bansa dahil walang lumalaban sa ganitong illegal na gawain. Salamat at naging alerto ang mga taga-Lobo at napalayas ang hopper dredger MV Emerald.

Nagulat na lamang ang mga mamamayan ng Lobo nang biglang lumitaw ang MV Emerald noong Marso 28 sa baybayin ng Bgy. Lagadlarin. Ang 2,900 ton MV Emerald ay napag-alamang naka-rehistro sa Sierra Leone subalit ang mga tripulante at crew ay mga Chinese.

Naalarma ang mga local na opisyal, mga mangi-ngisda at mga residente sa biglang pagdating ng barko. At lalo silang nagulat sa pakay nang pagdating ng barko --- maghuhukay ito sa Lobo River para raw sa isang flood control project. At ang mahuhukay na buhangin ay dadalhin sa Hong Kong para sa gagawing bagong runway ng international airport doon.

At ang nakapagtataka, walang kaukulang papeles ang MV Emerald sa gagawing dredging. Malaking kuwestiyon din kung paano nakapasok sa teritoryo ng bansa ang barko na walang pahintulot. Napag-alaman na ang ang kompanyang Seagate Engineering and Buildsystems ang nagbigay umano ng permiso sa barko.

Lumaban ang mga taga-Lobo. Hindi sila papayag na hukayin ang ilog. Masisira ang ilog, ang mga bakawan at ang marine life. Malapit din ito sa Verde Island passage, isang marine sanctuary.

Salamat at naging alerto ang mga taga-Lobo. Ganito rin sana ang gawin ng iba para maprotektahan ang kapaligiran. Huwag hayaang makapasok ang mga gahaman. Minsan nang ginawa ito sa Zambales noong 2016 nang kayurin ang black sand doon. Kung lalabanan ang mga mapagsamantala‘t gahaman, matatakot sila at hindi basta-basta makakapasok sa ating nasasakupan.

GAHAMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with