HINDI interesado si Manila Ma-yor Alfredo S. Lim, na sumali sa mga debate at iba pang forum o fora na layunin lamang na siya ay makipagtalo at makipagpalitan ng maanghang na salitaan sa kanyang mga kalaban sa politika.
Alam ng mga taga-Maynila na hindi uubra sa kanya sa debate ang dalawa niyang kalaban kaya hindi na kailangan pa ang mga ganito dahil mahihirapan lang sila sagutin ang mga isyung pagtatalunan namin.
Pag-aaksaya lang ng oras ang ganitong uri ng aktibidad at hindi naman magdadala ng anumang benepisyo sa mga taga-Maynila sa anumang paraan.
Sabi ni Lim, madali lang paglaruan ang mga salita. Madaling mangako at maski magsinungaling. Hindi ang mga ganitong uri ng istilo ang nais kong gamitin sa aking kampanya.
Ayon kay Lim, mas ibabatay niya ang kanyang kampanya sa kanyang mga nagawa o ‘service record’ at kung ano pa ang balak niyang gawin para sa mga taga-Maynila kapag siya ay naging alkalde muli.
Ibinida ni Lim, na hindi siya tumatakbo batay sa mga pangako lang at sa halip ay batay sa mga kongkretong ebidensiya ng kanyang mga ginawa para sa kapakinabangan ng mga taga-Maynila, lalo na ang mga mahihirap, sa pamamagitan ng kanyang ‘womb-to-tomb’ program na kanyang inilunsad sa unang pag-upo niya bilang mayor noong 1992 at kung saan lahat ng uri ng libreng serbisyo ay ibinibigay ng lungsod mula sa pagbubuntis pa lang hanggang sa kamatayan.
Si Lim, ay nagsilbing mayor ng lungsod mula 1992 hanggang 1998 at mula 2007 hanggang 2013.
Kabilang sa mga tampok na nagawa ni Lim ang pagpapatayo ng limang pampublikong ospital na nagbibigay ng libreng gamutan, hospitalization at mga medisina, bilang dagdag sa inabutan niya na nag-iisang Ospital ng Maynila.
Sabi ni Lim, bawat isa sa anim na distrito ng Maynila ay may tig-isa ng ospital sa ilalim ng pamumuno niya.
Sa administrasyon din ni Lim naitatag ang City College of Manila (ngayon ay Universidad de Manila) na nagbibigay ng libreng college education para sa mga ordinaryo o ‘average students’ at bilang karagdagan sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na para naman sa mga honor students mula sa public high schools.
Naitatag din sa panahon ni Lim ang 485 na libreng day care centers; 97 bagong buildings para sa public elementary at high school; 59 barangay health centers na nagbibigay ng mga libreng gamot at treatment ng mga minor na sakit; 12 lying-in clinics na nagbibigay ng libreng panganganak para sa mga mahihirap na buntis; 132 bagong-gawang kalsada; mga libreng playground at mga sports complex at centralized disaster evacuation centers sa Tondo at Baseco.
Tiniyak ni Lim ang pagtatayo ng mas maraming libreng kolehiyo. Abangan.