^

Punto Mo

EDITORYAL - Parusang kamatayan dapat nang ibalik!

Pang-masa
EDITORYAL - Parusang kamatayan dapat nang ibalik!

HABANG tumatagal, palubha nang palubha ang mga nangyayaring krimen. Ginahasa na ang biktima ay pinatay pa! Hinoldap na ay pinatay pa! Wala nang kinatatakutan ang mga criminal at hindi lamang sa Metro Manila nangyayari ang mga karumal-dumal na krimen kundi sa mga probinsiya man. Karaniwan na lamang ang mga nangyayaring may ginahasa at pinatay na babae.

Pero sa nangyari sa Lapu-Lapu City, Cebu noong nakaraang linggo kung saan pinatay at ginahasa pa ang 16-anyos na taga-kolekta ng abuloy sa simbahan, nagpapakita lamang ito na wala nang kinatatakutan ang mga criminal.

Pinagsasaksak ang biktimang si Christine Lee Silawan makaraang gahasain. Pero hindi pa roon natapos ang kahayupan ng killers sapagkat binalatan pa ang mukha ng kawawang dalaga. Kinuha rin ang internal organs at pati taynga ng biktima. May mga sugat umano sa kamay at braso ang dalaga na palatandaang nanlaban ito sa mga lumapastangan.

Ayon sa pulisya, bago nangyari ang karumal-dumal na krimen, nakitang may kausap sa cell phone ang dalaga. Kinabukasan, dakong alas sais ng umaga, natagpuan ang kanyang bangkay sa isang liblib na lugar.

Ngitngit na ngitngit si Pres. Rodrigo Duterte at ipinag-utos ang manhunt sa killer-rapist ng dalaga. Isang suspect na nagngangalang Jonas Bueno ang pinaghahanap na ng mga pulis sa kabundukan na umano’y pinagtataguan nito. Nag-offer naman ng P1.8 milyon na reward sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng suspect na si Bueno. Hinihinalang nasa impluwensiya ng shabu ang suspect. Umano’y miyembro rin ito ng kulto.

Nararapat nang ibalik ang parusang kamatayan dahil wala nang kinatatakutan ang mga criminal. Panahon na para pag-aralan ng mga mambabatas na buhayin ang death penalty law. Kamatayan ang dapat sa mga nanggahasa at pumatay at maging sa drug traffickers.

KAMATAYAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with