Ang pagtawa at kalusugan

Ang pagtawa nang 100 beses per day ay katumbas ng pagbibisikleta ng 15 minuto o kaya ay 10 minutong pag-eehersisyo sa rowing machine.

Ang benepisyong nakukuha ng 15 minutong pagtawa ay katumbas ng benepisyong nakukuha sa pagtulog ng 2 oras.

Ang 15 minutes na pagtawa per day ay nakakatulong para mabawasan ang timbang.

Ang pagtawa nang malakas at buong saya ay nagpapa-improve ng tibok ng puso, nagpapagaan ng paghinga at nakakaehersisyo ng muscle sa mukha, tiyan at diaphragm.

Kapag tumatawa, ang ating utak ay naglalabas ng endorphins na nagdudulot ng maraming oxygen na nagpapaluwag ng paghinga.

Ang pagtawa nang napakalakas ay nakakatunaw ng 3 at kalahating calories.

Ang pagkakaroon ng sense of humor ay nakakapagpahaba ng buhay, approximately nagkakaroon ng karagdagang 8 taon ayon sa pag-aaral na isinagawa ng University of Chicago.

Pinasisigla ng pagtawa ang immune system kaya na-giging tigasin ang ating naturalesa laban sa bacteria at virus na nagdudulot ng sakit.

Nakapagpapatibay ng relasyon sa mag-asawa kung sila ay pareho ng level ng sense of humor, ‘yun bang sabay nilang pinagtatawanan ang kanilang nagagawang kamalian.

 Gelotology ang tawag sa pag-aaral tungkol sa pagtawa at epekto nito sa human body.

Show comments