^

Punto Mo

Attack sa mobile car ng MPD, tinuligsa!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

NAPANSIN ng mga residente at tambay ang dahan-dahan na pagtakbo, na parang ponebre ng punerarya, ang mobile car ng Manila Police District (MPD) sa kanto ng Lacson at Fajardo Sts., sa Sampaloc noong Martes. Parang me hinihintay ang sakay ng mobile car at mapapansin naman ito sa kuha ng CCTV footage.

At maya-maya nga biglang may sumulpot na anim na kalalakihan, na sakay ng motorsiklo, pinababa at dinisarmahan ang mga pulis at pinagbabaril sina Apolonio Flores at Prince Patrick Cortez. Sina Flores at Cortez, ay mga miembro ng gun-for-hire syndicate, at kagagaling lang sa City Hall ng Maynila kung saan kinasuhan sila ng illegal possession of firearms, ammunition at explosives.

Ayon sa MPD, may nakaprogramang likidahin ang dalawa sa Marbella Subd., sa Caloocan subalit naaresto sila ng pulisya bago nila ito maisagawa. Magandang accomplishment na sana ng MPD itong pagkahuli sa mga gun-for-hire kaya lang nadungisan ng haka-haka at maraming katanungan ang pagkamatay nila. Araguuyyy! Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! Paging Human Rights Commissioner Chino Gascon Sir!

Sinabi ni Chief Insp. Edwin Fuggan, ang hepe ng Lacson PCP, na maaring ang attackers ay mi-yembro rin ng gun-for-hire group na gustong iligpit sina Flores at Cortez para pigilan silang ilahad ang modus operandi nila. Hak hak hak! Paano nalaman ni Fuggan itong plano ng mga attackers? Meron siyang advance info? Araguuyyy!

Kung may advance info na si Fuggan, bakit hindi dinagdagan ang police escort ng dalawang gun-for-hire o ‘di kaya’y inunahan na silang barilin kaysa mapalagay sa kahiya-hiyang sitwasyon, hindi lang ang mobile car crew, kundi maging ang buong PNP.

Hamakin mo, nadisarmahan ang mga pulis, tapos sinunod pa ang utos ng kriminal na dumapa at tumalima naman, di ba mga kosa? Di ba cowardice itong aksiyon ng mga crew ng mobile car? Ano sa tingin n’yo NCRPO chief Dir. Guillermo Eleazar at PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde Sirs?

Dapat din sigurong kasuhan ang crew ng mobile car dahil ni hindi man lang lumaban, di ba Gen’s. Albayalde at Eleazar Sir’s para hindi sila pamarisan. Sa tingin naman ng kapitbahay ko na si Mang Jeff, sobrang asintado naman ang attackers dahil ang tinamaan lang nila ay sina Flores at Cortez at ang crew ng mobile car ay hindi man lang nagalusan.

Parang TV series ng Probinsiyano, di ba mga kosa? At ayon pa kay Mang Jeff, parang mga pulis kung kumilos ang mga attackers. Ano ba ‘yan? Hak hak hak! Tulad ng pagbaril ni Supt. Bobby Ganipac ng isang rape suspect sa loob mismo ng opisina niya sa Station 9 ng MPD, tiyak wala ring lulutang dito sa kaso nina Flores at Cortez para ihingi ng katarungan o hustisya ang pagkamatay nila, di ba mga kosa?

Sa totoo lang, mukhang ang taga-MPD lang ang naniniwala sa nangyaring ambush dahil sa Camp Crame pinagtatawanan sila. Kung ang sibilyan nga ay hindi naniniwala, sila pa kaya na mga pulis na sanay na rin sa kalye, anila. Kasi sa tingin nila lamang lang ng isang paligo itong ambush kuno sa script na agaw-armas na hindi na pinaniniwalaan ng sambayanan. Abangan!

MOBILE CAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with