Ang bintana
MAY dalawang lalaki na naka-confine sa iisang kuwarto ng ospital. Iisa lang ang bintana ng kuwarto kaya ang isang lalaki lamang ang nakakadungaw. Ang lala-king malayo sa bintana ay hindi makagalaw sa pagkakahiga dahil naaksidente siya at may bali ang leeg at dalawang binti.
Mabait ang lalaking nasa tabi ng bintana. Upang maaliw ang lalaking nabalian, ikinukuwento ng lalaking nasa bintana ang magagandang tanawin na kanyang nakikita. May pagkakataong napahalakhak nang malakas ang lalaking nabalian dahil sa nakakatawang pangyayari na nasaksihan ng lalaki habang nakadungaw sa bintana.
Isang umaga ay isinugod sa ICU ang lalaking nasa tabi ng bintana. Matagal itong nanatili sa ICU kaya’t isang araw ay may bagong pasyente na pumuwesto sa tabi ng bintana. Nagulat siya sa comment ng bagong dating na pasyente:
“Nakakainip pala sa kuwartong ito. May bintana nga pero wala ka rin makikita dahil pader ng mataas na building ang nakaharap dito.”
Imbento lang pala ng kanyang roommate ang lahat para maging masaya ang kanilang pagtigil sa ospital. Totoo na ang ikinagaganda ng buhay ay nasa tumitingin.
Nababawasan ang kalungkutan kung may karamay ka; ngunit nadodoble ang kaligayahan kung ibinabahagi mo ito sa iba.
- Latest