^

Punto Mo

Drug education sa mga kabataan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Noon lamang isang linggo labing-isang high school students ang naaktuhan ng mga tauhan ng pulisya na nagpa-pot session sa isang bahay sa Makati City.

Pawang mga naka-uniporme pa ang mga estudyante na nabulaga ng pulisya habang gumagamit ng ilegal na droga. Umamin pa ang mga ito na nag-cutting classes pa.

Isa lamang ito sa insidente ng mga kabataan na sa murang edad ay nadadawit na sa paggamit ng illegal drugs.

Halos nagkakasunud-sunod ang insidente kung saan sangkot ang mga menor-de-edad sa ilegal na droga.

Kung hindi man nahuhuli sa paggamit, sila pa mismo ang sinasabing ginagawang courier ng ilang sindikato.

Sa Navotas naman kamakailan din, ilang mga paslit ang nasagip kung saan nga sila pa ang sinasabing pinamahala ng isang ‘tulak’ sa drug den.

Sinampolan na nga ng PDEA ang mga magulang ng mga paslit na ito na sinampahan na ng kaso dahil sa pagpapabaya.

Masasabing ang mga kabataan ngayon ang siyang ginagamit o target na biktimahin ng sindikato ng illegal drugs sa kanilang operasyon.

Ang pagtaas ng bilang ng mga menor-de-edad ang posibleng dahilan kaya nagpasya na ang gobyerno na isama ang Preventive Drug Education Program sa susunod na school year mula Kindergarten hanggang Grade 12.

Isasama ang programa sa kurikulum habang hahayaan naman ang mga paaralan na i-introduce ang preventive drug education sa ibang subject.

Nagtutulungan na ang DOH, DepEd at Dangerous Drug Board sa pagbuo ng komprehensibo at napapanahong supplemental materials para maisama ang drug education sa kurikulum ng mga mag-aaral.

Malaking bagay nga marahil na maituro at matanim sa isip ng mga mag-aaral hanggang bata pa ang samang dulot ng ilegal na droga.

Sa maraming pagkakataon, impluwensiya ng nasa paligid, barkada at mga kaibigan kaya nadadawit ang ilang menor ded edad sa ganitong gawain.

Sige nang sige, subok nang subok na walang kaaalam-alam kung ano ang samang dulot.

Kung sa murang edad ay maipapabatid na sa kanila ang masamang epekto nito hindi lamang sa kanilang katawan, pamilya at lipunan , makakatulong ito ng malaki para maiwasan ito ng mga kabataan.

Pero kailangan din ang paggabay ng magulang.

Hindi maitatago na malaki ang problema ng bansa sa illegal drugs, mas lalong lulubha ang problema kung ang tinatarget na nitong market eh mga kabataan.

Kailangan na rin ang mas matindi pang operasyon laban sa mga taong , mga kabataan ang ginagamit sa kanilang ilegal na aktibidades. Dapat kalusin na ang mga ito, dapat mas matinding parusa ang ibigay sa mga ito.

Ang mga ito ang dapat na mabitay.

ILEGAL NA DROGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with