(Part I)
• Number 10 Greatest Actor siya sa listahan ng 50 Greatest Screen Legends ng American Film Institute.
• Sa kabila nang maraming taon na pagtira at pagtatrabaho sa USA, hindi kailanman siya naging US citizen. Ipinanganak siya sa London, England. Isa siyang British.
• Mga 73-years old na siya nang ipanganak ang kanyang pinakabunsong anak na si Christopher.
• Siya ang naglapat ng tono ng kantang Smile at This is My Song. Mga 500 kanta ang nilapatan niya ng tono.
• Siya ang nag-compose ng music para sa iba niyang silent movie.
• Paborito niyang laruin ay tennis pero hindi ang golf. Inilarawan niya ang golf: “a game I can’t stand”.
• Nagkasama sa isang pelikula sina Marlon Brando at Charlie Chaplin noong 1966. Hindi sila magkasundo. Ang comment ni Marlon Brando kay Charlie Chaplin—The most sadistic man I’d ever met”. Ang comment naman ni Charlie kay Marlon—working with Brando simply was impossible.
• Noong nasa London at hindi pa artista, pumasok siyang Butler (household manager ng mga tsimoy at tsimay sa mansion ng mayamang amo) pero napatalsik kaagad dahil nilaro niya ang trumpet ng amo na napulot niyang pakalat-kalat sa attic.