3 kakaibang kuwento

1. Noong 2009 sa Croatian city of Zadar, biglang kumidlat at tumama sa building na kinaroroonan ni Natasha Timarovic na noon ay nagsha-shower at the same time ay nakasahod ang bibig sa shower dahil nagmumumog siya. Ang kuryente ng kidlat ay naglakbay sa water pipe  at diretsong tumama sa bunganga ni Natasha. Nagpatuloy sa paglalakbay ang kuryente sa katawan nito hanggang sa paa. Pero naka-rubber slippers ito kaya bumalik ulit paitaas ang electricity at tuluyang lumabas sa puwet nito. Hindi namatay si Natasha ngunit matindi ang naranasang pagkapaso ng bibig at puwet.

2. Ang napakagandang Hollywood actress na si Constance Smith ay nabilanggo ng tatlong buwan dahil sinaksak niya ang kanyang boyfriend na si Paul Rotha noong 1962. Muli niyang sinaksak si Paul kaya kinasuhan na siya ng attempted murder noong 1968. Hindi nagtagal sa bilangguan si Constance dahil iniurong ni Paul ang demanda. Nagpakasal sila noong 1974.

Palaaway si Constance. Wala siyang pinatatawad kapag mainit ang kanyang ulo. Kahit ang mga taong humahawak ng kanyang career ay hindi niya kasundo. Naghiwalay din sila ni Paul. Tumanda at namatay si Constance na nag-iisa.

3. Sa isang maliit na fishing village sa Pacific Island ay matatagpuan ang mga taong color blind. Mga 10 percent ng kanilang populasyon ay color blind na ang nakikita lang ay white, black at gray. Limitado lang ang nakikita nilang malinaw kapag araw dahil sa sinag ng araw. Ngunit napakatalas ng kanilang paningin kapag gabi kaya napapakinabangan nila ito sa pangingisda sa gabi.

 

Show comments