^

Punto Mo

Political career ni Pateros VM German, giba na?

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

MUKHANG nagiba na nang tuluyan ang political career ni Pateros Vice Mayor Gerald German dahil sa pagsampa sa kanya ng kaso ng asawang si Mary Antonnette “Maan” German dahil sa selos. Habang papalapit ang May elections, dapat magsagawa ng kung anu-anong proyekto o programa si German para makabawi dahil baka maunsiyami ang kanyang tsansa, ‘di ba mga kosa? Nadale kasi ng mga pulis sa Pateros si German dahil sa sumbong ng kanyang asawang si Maan na nagtamo ng mga galos at pasa sa mukha at braso. Kaya kinasuhan si German ng paglabag sa Republic Act  9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act). Aragguuuyyyy! Kung sabagay, hindi naman nagtagal si German sa himpilan ng pulisya dahil ayon kay Sr. Supt. Eliseo Cruz, director ng Southern Police District (SPD), pinalaya siya ni Sr. Dep. Prosecutor Gloria Marinduque-de Guzman for further investigation. Hak hak hak! Nagkasundo na kayang muli sina German at Maan? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Tumpak!

Sinabi naman ni Cruz na hindi lang ito ang unang kaso kundi pangatlong beses na na inakusahan ni Maan si Vice Mayor ng kasong pananakit. Noong Hulyo 8 at Agosto 30 nitong taon ay dumulog din ang mag-asawa sa himpilan ng pulisya dahil nag-away din sila pero hindi pa batid ni Cruz kung dahil din sa selos. Hehehe! Sino kaya ang mahilig magselos kina Vice at Maan? Ano sa tingin n’yo mga kosa ko r’yan sa Bgy. San Roque sa Pateros? Halos 10 taon na ring nagsasama itong sina Vice at Maan subalit sa taon na ito lang sumambulat ang ganitong sakitan. Sa kuwento ng mga kosa ko sa Pateros, nagalit si Maan matapos mahuli si Vice na may kausap sa celfon sa kasagsagan ng kanyang birthday celebration. Siyempre, nagkaroon ng mainitang pagtatalo at humantong sa kalmutan at sakitan. Araguuyyyyy! Mabuti’t naawat bago lumala ang away, ‘di ba mga kosa? Hak hak hak! Nasira tuloy ang masayang birthday celebration si Vice. Kung sabagay, marami pang darating na birthday si Vice, ‘di ba mga kosa?

Ang problema ni German sa ngayon ay baka masira ang political career n’ya dahil sa sunod-sunod na eskandalong ikinasa sa kanya ni Maan. Dahil sa pagkaaresto sa kanya, naging laman ng diyaryo, radyo at television itong kaso ni German. Hindi lang ‘yan! Maging sa social media ay kumalat din ang kaso at larawan ni German. Aragguuuyyyyy! Hindi lang larawan niya sa kaso ng asawa niya ang kumalat sa social media kundi maging ‘yaong kasama pa ni German noong panahon ng kampanya itong nakakulong na senador na si Leila de Lima. Hak hak hak! Uulanin ng speculation tungkol kay De Lima si German sa darating na kampanyahan, di ba mga kosa? Mukhang kaalyado din ni German si Taguig Rep. Arnel Cerafica na nagbabalak na tumakbo bilang mayor ng siyudad sa darating na election at kakalabanin si Mayor Lani Cayetano. Kung sabagay, hindi lang sina German at Cerafica ang magkaalyado kundi maging ang pamilyang Tinga na dating namuno rin sa Taguig. Subalit mukhang lumayo na sa pulitika ang mga Tinga dahil sa pagkasangkot ng ilan sa kanilang kamag-anak sa droga noon at katunayan humihimas na sila ng bakal na rehas, di ba mga kosa? Hak hak hak! Kapag nagpumilit pa ang mga Tinga na bumalik sa pulitika baka madamay pa sila sa kampanya ni President Digong laban sa droga.

Hindi ko pa alam kung ano ang tatakbuhang puwesto ni German, na nasa second term na bilang vice mayor ng Pateros. Subalit papayag kaya ang taga-Pateros na si German na nananakit ng babae ay iluklok pa nilang muli sa puwesto? Kung sabagay mababa ang tingin ng mga Pinoy sa mga lalaking nananakit sa kanilang asawa kaya may semplang si German sa darating na election, di ba mga kosa? Mukhang tsikboy si German, kaya may posibilidad na ang mga nakapaligid sa kanya ay mga babaero rin, di ba Rep. Cerafica Sir? Sa pagkaalam ko, may konsehal sa Taguig na nag-resign kaagad matapos madawit sa droga, si German kaya? Maliwanag naman kasi mga kosa na violation of human rights ang ginawa niya sa kanyang asawa at hindi ito magandang halimbawa sa ating kabataan. Hehehe! Paano kaya malalampasan ni German ang pagsubok sa kanya. Abangan!

GERALD GERMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with