“BAKA may makakita sa atin, Dong, nakakahiya!’’ sabi ni Joy.
“Ngayon ka pa ba mahihiya e matagal na nga tayong naliligo sa sapa. At saka wala namang makakakita dahil pag-aari natin ang lugar.’’
“Malay mo habang naliligo tayo ay mayroong mapadaan na tao. Di ba, mayroon nang nakapanilip sa atin habang tayo ay naliligo?’’
“Si Dolfo yun. Pero nagawa niya iyon dahil sa utos ni Joemari. Pina-surveilance tayo. Pero nag-sorry na siya di ba?’’
“Nasaan na nga pala si Dol-fo? Mula nang mapatay si Joemari ay hindi ko na siya nakita.”
“Sabi ni Manong Naldo, umuwi na sa Marinduque. Binigyan niya ng puhunan para magnegosyo. Di ba malaki ang natanggap na reward ni Manong dahil sa pagkakapatay kay Joemari.’’
“Mabuti naman at maayos na pala ang buhay ni Dolfo.’’
“Pero kung hindi ko nahuli si Dolfo, maaaring masama ang nangyari sa atin sa kamay ni Joemari. Baka napatay ako ng Joemari na ‘yun at ikaw ay maaaring ginahasa. Di ba, magre-report na si Dolfo kay Joemari ng araw na mabitag ko siya. Mabuti na lang at nagbago ng pananaw sa buhay si Dolfo. At nagkataon na pinsan pala siya ni Manong.’’
“Oo nga. Malaki rin pala ang nagawa natin kay Dolfo kaya nabago ang buhay. Hindi siya napariwara.’’
Napangiti si Dong.
“Ano ligo na tayo?’’
Napahinga si Joy.
“Sige na nga! Tumalikod ka at maghuhubad ako.’’
Tumalikod si Dong.
Nang makapaghubad, nagtatakbo sa sapa si Joy. Lumusong sa tubig. Naghubad din si Dong at hinabol si Joy.
Masaya silang naligo.
(Itutuloy)