HANDANG-HANDA na si Manong Naldo. Nakaabang na siya kay Joemari at Joy. Sige, lapit pa! Lapit pa!
Nang mapatapat si Joemari sa pinagkukublihan ni Manong Naldo, agad kumilos ang matanda.
“Demonyo ka! Ummm!”
Tinaga niya sa likod si Joemari.
Napaiktad si Joemari sa paglapat ng talim sa likod. Sapat iyon para mabitiwan niya si Joy. Nabitiwan din ang baril.
Sinamantala iyon ni Joy at mabilis na tumakbo.
“Putang ina! Bumalik ka rito!” sabi ni Joemari habang iniinda ang sugat sa likod.
Nagtatakbo si Joy.
Hinarap ni Joemari si Manong Naldo.
“Putang ina kang matanda ka!”
“Tapos ka nang demonyo ka!”
Inundayan pa ng taga ng matanda si Joemari pero nakailag ito. Napasubsob si Manong Naldo dahil nawalan ng panimbang. Napatihaya. Agad na nahawakan ni Joemari ang itak at inagaw ito.
“Tapos kang matanda ka! Mauuna kang mamatay!”
Tinaga nito si Manong Naldo.
Pero nakailag ang matanda.
Muling sumugod si Joemari pero mabilis siyang nasipa ng matanda. Tinamaan sa sikmura si Joemari.
(Itutuloy)