^

Punto Mo

Deogracias Tempongko, 59

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

NGAYON ang libing ni Deo­gracias Tempongko, sa sementeryo ng La Loma matapos itong kunin ni Lord last Sept. 6, 2018.

Nagdadalamhati ang mga kapatid, pamilya, kamag-anak, kaibigan at mga kapitbahay sa pagpanaw ni Deogracias.

Sabi nga, hindi nila akalain!

Hindi makapaniwala si Dr. Harold Tempongko, na iiwan na sila ng kanyang mahal na ‘Ninong.’

Bago dalhin sa huling hantu-ngan si Ninong ay mimisahan ito sa Bishop Moises F. Buzon Memorial Church sa 634 Moriones St., Tondo, Manila, ng 1pm.

Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.

Amen!

• • • • • •

Smuggled rice, canned goods at ukay-ukay ipamigay na lang

Maganda ang naisip ng ilang bright people sa gobierno na ibigay na lamang ng Bureau of Customs sa DSWD ang mga nahuling nilang mga smuggled imported rice, pagkain at ukay-ukay para makatulong sa mga masasalanta ng bagyong Ompong.

Sabi nga, para mapakinabangan ito ng madlang pinoy!

May kinumpiskang libu-libong smuggled imported rice ang BOC na ipinuslit kaya dapat pakinabangan ito ng madlang people na maapektuhan ng bagyong Ompong.

Kaysa mabulok, kainin na lang!

Ang DSWD ang dapat mamahagi nito sa madlang people na mangangailangan ng tulong.

Sabi nga, masarap na bigas ang dapat nilang tsibugin!

Abangan.

• • • • • •

Peter Go Lim, may patong sa ulo 

May patong na P.5 million ang ulo ni Peter Go Lim, ang sinasabing bigtime druglord from Cebu.

Wanted na ito sa mga alagad ng batas.

Ang premyo ay P500,000 sa makakapag-nguso kay Peter Lim para managot na ito sa batas.

Ang hindi lang natin alam dahil druglord daw si Peter Lim, kung mapatay ba ito ng mga bounty hunters ay awtomatiko bang maglalabas ng P5 million si Boss Digong bilang reward sa mga mapapatay na druglord?

Abangan.

vuukle comment

TEMPONGKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with