^

Punto Mo

Laging i-monitor ang inyong blood pressure

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

HIHINTAYIN pa ba nating mahilo tayo o matumba bago ipatsek ang ating blood pressure? Habang nagkakaedad tayo ay sadyang nagsisimula nang tumaas ang ating BP. Ngayon pa lang ay simulan na nating i-check ang ating BP.  Ngayon, kapag nakitang nandiyan na ang alta presyon, mahalagang ma-monitor ito nang mas madalas kahit sa bahay lamang.

Ano ba ang bentahe ng pagkuha at patuloy na paglilista ng blood pressure reading sa bahay? May ilan kasing nagsasabi na hayaan na lamang ang mga doktor at nurse ang mag-monitor nito kapag dumadalaw tayo sa klinika o ospital para magpa-check up.

Sa panahon ngayon, madali na lamang kumuha ng reading ng ating mga blood pressure. Noon kasi, ang mga ginagamit na sphygmomanometer, instrumentong ikinakapit sa ating braso at pina-pump ay ginagawa lamang ng mga medical professionals. Kailangan pa kasing pakinggan ito gamit ang stethoscope at ang taong kumukuha ang magsasabi kung ano ang iyong BP reading. Kung hindi sanay ang gagawa, hindi masasabing accurate ang magiging resulta.

Pero ngayon, makabibili na tayo ng mga digital sphygmomanometers sa mga botika at medical suppliers. Dito ay ‘di na kinakailangang may nakakabit pang stethoscope sa tainga ng taong kukuha ng BP para malaman lang ang reading. Kahit mag-isa ka lamang, kapag ikinapit mo ang strap ng BP apparatus sa braso at pinindot ang buton na nagsasabing START, lalabas ang reading ng iyong Blood Pressure sa screen monitor na may kasama pang bilang ng iyong heartbeats pagkalipas ng ilang sandali.

Huwag paniwalaan ang sabi-sabi na ‘di ito accurate. Bago inilabas sa merkado ang ganitong mga apparatus, masusi naman itong sinuri.

Anuman ang gamit mo – ang tradisyunal na BP apparatus o ang digital BP apparatus – ang mahalaga, ay ma-monitor ang iyong BP lalo na kung nagsususpetsa ka nang tumataas ito. Sa mga may alta presyon man ay mahalagang regular na natse-tsek ang BP nila upang malaman kung epektibo pa ba ng iniinom nilang gamot kontra-hyertension o kung kailangan nang dagdagan pa ng isang gamot. May tinatawag kasi tayong combination therapy para sa alta presyon lalo na kung hindi na kayang kontrolin lamang ng isang uri ng gamot kontra-hypertension ang iyong kondisyon. Kaya huwag magtaka kung bakit may mga taong dalawa o tatlong klase pa ng gamot ang iniinom para lamang sa alta presyon.

               Maipapayo kong ilista lamang ang mga BP readings na makukuha n’yo araw-araw sa isang maliit na notebook. Ilagay kung kailan aktuwal na nakuha ang BP, date at araw, pati oras. Dalhin lamang ito sa iyong doktor kapag ikaw ay magpapa-check up na. Malaking tulong ito sa iyong doktor upang higit niyang malaman ang estado ng iyong BP sa araw-araw. At kung makita niyang dapat ka nang bigyan ng maintenance medication para sa nagsisimula ng alta presyon, magagabayan siya ng iyong mga itinalang BP readings sa iyong notebook.

Gaano ba dapat kadalas kunin ang BP sa bahay? Depende. Wala namang tiyak na rekomendasyon. Pero mas maraming doktor ang magpapayo sa iyo na kahit 3-4 beses maghapon kung gusto mo lang malaman ang baseline BP mo. Ilista rin kung anong oras mo ito ginawa sa loob ng maghapon. Kung nagsisimula ka ng maggamot para sa alta presyon, kahit dalawang beses sa maghapon ay puwede na – isa sa umaga, at isa sa gabi. Pero kung ikaw ay dati ng may alta presyon at may iniinom ka ng gamot para rito, puwedeng ang pagkuha ng BP reading ay gawin kahit 2-3 beses na lamang sa isang linggo assuming na nasa normal range na ang iyong BP reading dahil sa iniinom mong maintenance medication.

 

 

MONITOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with